+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ، لَيُوشِكَنَّ أَنْ يَنْزِلَ فِيكُمْ ابْنُ مَرْيَمَ حَكَمًا مُقْسِطًا، فَيَكْسِرَ الصَّلِيبَ، وَيَقْتُلَ الخِنْزِيرَ، وَيَضَعَ الجِزْيَةَ، وَيَفِيضَ المَالُ حَتَّى لاَ يَقْبَلَهُ أَحَدٌ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2222]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, talagang mapalalapit nga na bumaba sa inyo ang Anak ni Maria bilang tagahatol na nagpapakamakatarungan para bumasag ng krus, pumatay ng baboy, mag-alis ng jizyah, at mag-umapaw ang yaman hanggang sa walang tumanggap nito na isa man."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2222]

Ang pagpapaliwanag

Sumusumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkalapit ng pagbaba ni Jesus na anak na Maria (sumakanya ang pangangalaga) upang humatol sa pagitan ng mga tao ayon sa katarungan sa pamamagitan ng Palabatasan ni Muḥammad. Si Jesus ay babasag ng krus na dinadakila ng mga Kristiyano. Si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay papatay ng baboy. Si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) ay mag-aalis ng jizyah at magdadala sa mga tao sa kalahatan nila sa pagpasok sa Islām. Ang salapi ay mananagana kaya hindi ito tatanggapin ng isa man. Iyon ay dahil sa dami nito, pagkakasya ng bawat isa sa nasa mga kamay niya, pagbaba ng mga pagpapala, at pagsusunuran ng mga kasaganaan.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapatibay sa pagbaba ni Jesus (sumakanya ang pangangalaga) sa wakas ng panahon, na siya ay kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali.
  2. Ang Palabatasan ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi mapawawalang-bisa ng iba pa rito.
  3. Ang pagbaba ng mga pagpapala sa yaman sa wakas ng panahon kasama ng pagwawalang-halaga ng mga tao rito.
  4. Ang nakagagalak na balita ng pananatili ng Relihiyong Islām yayamang maghahatol sa pamamagitan nito si Jesus (sumakanya ang pangangalaga) sa wakas ng panahon.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan