+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ: أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لاَ تَقُومُ السَّاعَةُ حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ مِنْ مَغْرِبِهَا، فَإِذَا طَلَعَتْ فَرَآهَا النَّاسُ آمَنُوا أَجْمَعُونَ، فَذَلِكَ حِينَ: {لاَ يَنْفَعُ نَفْسًا إِيمَانُهَا لَمْ تَكُنْ آمَنَتْ مِنْ قَبْلُ، أَوْ كَسَبَتْ فِي إِيمَانِهَا خَيْرًا} [الأنعام: 158] وَلَتَقُومَنَّ السَّاعَةُ وَقَدْ نَشَرَ الرَّجُلاَنِ ثَوْبَهُمَا بَيْنَهُمَا فَلاَ يَتَبَايَعَانِهِ، وَلاَ يَطْوِيَانِهِ، وَلَتَقُومَنَّ السَّاعَةُ وَقَدِ انْصَرَفَ الرَّجُلُ بِلَبَنِ لِقْحَتِهِ فَلاَ يَطْعَمُهُ، وَلَتَقُومَنَّ السَّاعَةُ وَهُوَ يَلِيطُ حَوْضَهُ فَلاَ يَسْقِي فِيهِ، وَلَتَقُومَنَّ السَّاعَةُ وَقَدْ رَفَعَ أَحَدُكُمْ أُكْلَتَهُ إِلَى فِيهِ فَلاَ يَطْعَمُهَا».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6506]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Hindi sasapit ang Huling Sandali hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito. Kaya kapag sumikat ito saka nakakita nito ang mga tao, sasampalataya silang lahat ngunit iyon ay kapag: {hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan.} (Qur'ān 6:158) Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakapaglatag na ang dalawang lalaki ng kasuutan nila sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nakalisan na ang lalaki nang may gatas ng kamelyo niya ngunit hindi siya makatitikim nito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang siya ay nagkukumpuni ng tubigan niya ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Talagang sasapit nga ang Huling Sandali habang nag-angat na ang isa sa inyo ng pagkain niya tungo sa bibig niya ngunit hindi siya makatitikim nito."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6506]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng Malaking Huling Sandali na sumikat ang araw sa kanluran sa halip na sa silangan. Kapag nakikita na iyon ng mga tao, sasampalataya silang lahat. Sa sandaling iyon, hindi magpapakinabang sa tagatangging sumampalataya ang pagsampalataya niya at hindi magpapakinabang ang maayos na gawa ni ang pagbabalik-loob. Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Huling Sandali ay darating nang biglaan, hanggang sa tunay na ito ay sasapit habang ang mga tao ay nasa mga kalagayan nila at mga pumapatungkol sa buhay nila. Sasapit ang Huling Sandali habang ang tagapagbenta at ang mamimili ay nakapaglatag na ng kasuutan nilang dalawa sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi sila makapagbibilihan nito at hindi sila makapagtutupi nito. Sasapit ang Huling Sandali habang ang lalaki ay nakakuha na ng gatas ng gatasang inahing kamelyo niya ngunit hindi siya makaiinom nito. Sasapit ang Huling Sandali habang ang lalaki ay nagkukumpuni ng tubigan niya at nagtatapal dito ngunit hindi siya makapagpapainom dito. Sasapit nga ang Huling Sandali habang ang lalaki ay nag-angat na ng subo niya sa bibig niya ngunit hindi siya makakakain nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-anib sa Islām at ang pagbabalik-loob ay tinatanggap hanggat hindi sumisikat ang araw mula sa kanluran nito.
  2. Ang paghimok sa paghahanda para sa Huling Sandali sa pamamagitan ng pananampalataya at maayos na gawa dahil ang Huling Sandali ay darating nang biglaan.
Ang karagdagan