+ -

عن عبدِ الله بن عمرو رضي الله عنهما قال:
كنتُ أكتبُ كلَّ شيءٍ أسمعُه من رسولِ الله صلَّى الله عليه وسلم أُريدُ حفْظَه، فنهتْني قريشٌ، وقالوا: أتكْتبُ كلَّ شيءٍ تَسمَعُه من رسول الله صلَّى الله عليه وسلم، ورسولُ الله صلَّى الله عليه وسلم بَشَرٌ يتكلَّمُ في الغضَبِ والرِّضا؟ فأمسَكتُ عن الكتاب، فذكرتُ ذلك لرسول الله صلَّى الله عليه وسلم، فأومأ بإصبَعِه إلى فيه، فقال: «اكتُبْ، فوالذي نفسي بيدِه، ما يَخرُجُ منه إلا حقٌّ».

[صحيح] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 3646]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ninanais kong isaulo, ngunit sumaway sa akin ang liping Quraysh. Nagsabi sila: "Nagsusulat ka ba ng bawat bagay na naririnig mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] galit at lugod?" Kaya nagpigil ako sa pagsusulat saka bumanggit ako niyon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagpahiwatig siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 3646]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako noon ay nagsusulat ng bawat bagay na naririnig ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang magsaulo ako nito sa pamamagitan ng pagsusulat, ngunit may sumaway sa akin na mga lalaking kabilang sa liping Quraysh. Nagsabi sila: "Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang taong nagsasalita sa [sandali ng] lugod at galit at maaaring magkamali siya." Kaya naman tumigil ako sa pagsusulat.
Nagpabatid ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa sinabi nila, kaya tumuro siya ng daliri niya sa bibig niya saka nagsabi siya: "Sumulat ka sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, walang lumalabas mula rito kundi totoo sa bawat kalagayan at sa lugod at galit."
Nagsabi nga si Allāh tungkol sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan): {3. Hindi siya bumibigkas ayon sa pithaya. 4. Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.} (Qur'ān 53:3-4)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naisanggalang [sa pagkakamali] sa anumang ipinaaabot niya buhat sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa [sandali ng] lugod at galit.
  2. Ang sigasig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa pag-iingat sa Sunnah at pagpapaabot nito.
  3. Ang pagpayag sa panunumpa, kahit pa man walang pagpapanumpa, para sa isang kapakanan, gaya ng pagbibigay-diin sa isang bagay.
  4. Ang pagsusulat ng kaalaman ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga kadahilanan na nag-iingat sa kaalaman.