+ -

عَنْ سَمُرَةَ بْنِ جُنْدَبٍ وَالْمُغِيرَةِ بْنِ شُعْبَةَ رضي الله عنهما قَالَا: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ حَدَّثَ عَنِّي بِحَدِيثٍ يُرَى أَنَّهُ كَذِبٌ، فَهُوَ أَحَدُ الْكَاذِبِينَ».

[صحيح] - [رواه مسلم في مقدمته]
المزيــد ...

Ayon kina Samurah bin Jundub at Al-Mughīrah bin Shu`bah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagsanaysay tungkol sa akin sa isang ḥadīth, na nakikita na ito ay isang kasinungalingan, siya ay isa sa mga sinungaling."}

[Tumpak] - - [صحيح مسلم]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpaabot tungkol sa kanya ng isang ḥadīth habang ito ay nakaaalam o nagpapalagay o nananaig sa palagay nito na iyon ay isang kasinungalingan hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang tagapagsalaysay niyon ay nakikilahok sa nagkakalat ng kasinungalingang ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpapatibay sa mga ḥadīth na isinasalaysay tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtitiyak sa katumpakan ng mga ito bago ng pagsasalaysay ng mga ito.
  2. Ang katangian ng pagsisinungaling ay itinataguri sa bawat sinumang umimbento ng kasinungalingan at sa sinumang nagsagawa ng pagpapaabot nito at pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao.
  3. Ipinagbabawal ang pagsasalaysay ng ginawa-gawang ḥadīth sa sinumang nakaalam sa pagiging ito ay ginawa-gawa o nanaig sa palagay niya ang pagkagawa-gawa nito malibang kapag iyon ay para sa pagbibigay-babala laban dito.
Ang karagdagan