+ -

عَنْ ‌أَبِي هُرَيْرَةَ عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّهُ قَالَ:
«سَيَكُونُ فِي آخِرِ أُمَّتِي أُنَاسٌ يُحَدِّثُونَكُمْ مَا لَمْ تَسْمَعُوا أَنْتُمْ وَلَا آبَاؤُكُمْ، فَإِيَّاكُمْ وَإِيَّاهُمْ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 6]
المزيــد ...

Ayon kay Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Magkakaroon sa wakas ng Kalipunan ko ng mga taong magsasanaysay sa inyo ng [ḥadīth na] hindi nakarinig kayo ni ang mga magulang ninyo, kaya naman kaingat kayo sa kanila."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 6]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may lilitaw na mga tao sa wakas ng Kalipunan niya, na gagawa-gawa ng kasinungalingan at magsasabi ng hindi sinabi ng isa kabilang sa mga taong bago nila, saka magpapabatid sila ng mga ḥadīth na ipinagsinungaling at ginawa-gawa. Kaya naman nag-utos sa atin ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na lumayo tayo sa kanila, huwag tayong makisalamuha sa kanila, at huwag tayong makinig sa mga ḥadīth nila upang hindi makintal ang ginawa-gawang ḥadīth na iyon sa mga sarili para mawalang-kakayahan tayo sa pagwaksi niyon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Malayalam Telugu Swahili Burmese Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. May nasaad dito na isang tanda kabilang sa mga tanda ng pagkapropeta yayamang tunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpabatid ng magaganap sa Kalipunan niya, saka nangyari naman ito gaya ng ipinabatid niya.
  2. Ang paglayo mula sa mga nagsisinungaling hinggil sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hinggil sa Relihiyong Islām at ang hindi pakikinig sa kasinungalingan nila.
  3. Ang pagbibigay-babala laban sa pagtanggap ng mga ḥadīth o pagpapalaganap ng mga ito, malibang matapos magpakatiyak sa katumpakan ng mga ito at pagkatibay ng mga ito.