عن عَمْرُو بْنُ عَامِرٍ عَنْ أَنَس بن مالك قَالَ:
كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَوَضَّأُ عِنْدَ كُلِّ صَلَاةٍ، قُلْتُ: كَيْفَ كُنْتُمْ تَصْنَعُونَ؟ قَالَ: يُجْزِئُ أَحَدَنَا الْوُضُوءُ مَا لَمْ يُحْدِثْ.
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 214]
المزيــد ...
Ayon kay `Amr bin `Āmir, ayon kay Anas bin Mālik na nagsabi:
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' sa sandali ng bawat ṣalāh. Nagsabi ako: "Papaano kayo noon nagsasagawa?" Nagsabi siya: "Nagkakasya sa isa sa amin ang [isinagawang] wuḍū' hanggat hindi siya nakasira nito."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 214]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng wuḍū' para sa bawat ṣalāh na isinatungkulin, kahit pa hindi nasira ang wuḍū' niya. Iyon ay para sa pagtamo ng pabuya at kainaman.
Pinapayagan na magdasal ng higit sa isang ṣalāh na isinatungkulin sa iisang wuḍū' hanggat nanatili ang bisa ng wuḍū' niya.