+ -

عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا أراد الله تعالى رحمة أُمَّة، قَبض نبيَّها قبلها، فَجَعَلَهُ لها فَرَطًا وسَلفًا بين يديها، وإذا أراد هلَكَةً أُمَّة، عَذَّبَها ونَبِيُّهَا حَيٌّ ، فأهْلَكَها وهو حَيٌّ يَنظرُ، فأقرَّ عينَه بِهَلاَكِهَا حين كذَّبُوه وعَصَوا أمرَه».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag ninais ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na kaawaan ang isang kalipunan, kinukuha Niya muna ang propeta nila bago sila at ginagawa Nya ito para sa kanila na isang paunang tagapaghanda at paunang pabuya sa hinaharap nila. Kapag ninais Niya na lipulin ang isang kalipunan, parurusahan Niya sila habang ang propeta nila ay buhay pa. Lilipulin Niya sila habang ito ay buhay na nakatingin. Kaya palalamigin ang mata niya dahil sa paglipol sa kanila noong pinasinungalingan nila ito at sinuway ang utos nito."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth na ito: Na si Allāh, pagkataas-taas Niya, kapag nagnais ng mabuti para sa isang kalipunan, kinukuha Niya ang propeta nila at mananatili ang kalipunan nito kapag wala na ito. Ito ay magiging paunang tagapaghanda sa Paraiso. Ito ay magiging tagapamagitan para sa kalipunang ito. Ang orihinal na kahulugan ng "paunang tagapaghanda" ay ang umuuna sa mga darating upang ihanda para sa kanila ang kakailanganin nila sa panunuluyan nila sa mga tahanan nila. Pagkatapos ay ginamit ito [sa kahulugang] ang tagapamagitan sa mag nasa likuran niya. Si ibang ḥadīth: Nagsabi ang Sugo ni Allāh,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ako ang pauna sa inyo sa lawa." Ibig sabihin: Ang uuna sa inyo upang sadyain para sa inyo ang tubig... Kapag ninais niyang lipulin ang isang kalipunan, parurusahan niya sila habang ang propeta nila ay buhay pa. Lilipulin niya sila habang ito ay buhay na nakatingin gaya ng nangyari kay Noe, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sa mga kababayan nito at gayon din sa iba pang mga propeta. Dito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay para bang nagpapabatid sa kanila hinggil sa awa ng Panginoon ng mga nilalang sa Kalipunang ito. Ang Propeta ay isang awa na iniregalo sa Kalipunang ito, ang mga pagpapala ni Allāh at pangangalaga ay sumakanya. Si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagsabi: "Hindi ka Namin isinugo kundi bilang awa sa mga nilalalang." (Qur'an 21:107) Siya ay isang awa para sa Kalipunang ito, ang mga pagpapala ni Allāh at pangangalaga ay sumakanya. Nangako na si Allāh sa Kalipunang ito na hindi Niya sila pagdurusahin habang siya ay nasa kanila, ang mga pagpapala ni Allāh at pangangalaga ay sumakanya. Dinagdagan Niya sila ng kabutihang-loob Niya at kagandahang-loob Niya. Sinabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Hindi mangyayaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang ikaw ay nasa piling nila. Hindi mangyayaring si Allāh ay nagpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng kapatawaran." (Qur'an 8:33)

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan