+ -

عن إبراهيم بن عبد الرحمن بن عوف، أن عبد الرحمن بن عوف رضي الله عنه أُتي بطعام وكان صائمًا، فقال: قُتِل مُصعب بن عمير رضي الله عنه وهو خيرٌ مني، فلم يوجد له ما يُكفَّن فيه إلا بُردة إن غُطِّيَ بها رأسه بَدَت رِجْلاه؛ وإن غُطِّيَ بها رجلاه بدا رأسه، ثم بُسِط لنا مِنَ الدنيا ما بُسِط، أو قال: أُعْطِينا من الدنيا ما أُعطِينا، قد خَشِينَا أن تكون حَسَنَاتُنا عُجِّلَت لنا، ثم جعل يبكي حتى ترك الطعام.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Ibrāhīm bin `Abdirraḥmān bin `Awf, si `Abdurraḥmān bin `Awf, malugod si Allah sa kanya, ay dinalhan ng pagkain noong siya ay nag-aayuno at nagsabi ito: "Pinatay si Muṣ`ab bin `Umayr, malugod si Allah sa kanya, samantalang siya ay higit na mabuti kaysa sa akin. Walang natagpuan para sa kanya na maipambabalot maliban sa isang balabal na kung ipantatakip ito sa ulo niya ay lilitaw ang mga paa niya at kung ipantatakip ito sa mga paa niya ay lilitaw ang ulo niya. Pagkatapos ay ipinagkaloob para sa atin mula sa Mundo ang naipagkaloob." O nagsabi siya: "Ibinigay sa atin mula sa Mundo ang naibigay sa atin. Natakot nga tayo na ang [gantimpala] sa mga magandang gawa natin ay minadali na sa atin." Pagkatapos ay nagsimula siyang umiyak hanggang sa iniwan niya ang pagkain.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Si `Abdurraḥmān bin `Awf, malugod si Allah sa kanya, minsang isang araw, ay nag-aayuno. Noong sumapit na ang oras ng ifṭār ay dinalhan siya ng pagkain. Ang nag-aayuno ay karaniwang nananabik sa pagkain, ngunit siya, malugod si Allah sa kanya, ay nakaalaala sa dinanas ng mga unang kasamahan [ng Propeta]. Siya, malugod si Allah sa kanya, ay kabilang sa mga unang kasamahang kabilang sa mga nagsilikas [sa Madīnah], malugod si Allah sa kanila. Siya ay nagsabi bilang pagmamaliit sa sarili niya: "Tunay na si Muṣ`ab bin `Umayr noon, malugod si Allah sa kanya, ay higit na mabuti kaysa sa akin sa pagpapakumbaba at pagtitiis para sa sarili o sa panig ng pagpili sa karukhaan at pagtitiis gayong tahasang ipinahayag ng mga maalam na ang sampung binalitaan [ng pagpasok sa Paraiso] ay mainam kaysa sa nalalabing mga kasamahan [ng Propeta]. Si Muṣ`ab bin `Umayr, malugod si Allah sa kanya, noong bago yumakap sa Islam, ay nasa piling ng mga magulang niya sa Makkah. Ang mga magulang niya ay mayaman. Ang ina niya at ang ama niya ay nagpapasuot sa kanya ng pinakamainam na kasuutan: ang kasuutan ng kabataan at mga binata. Pinalaki nila siya sa labis na layaw. Noong yumakap siya Islam, iniwan nila siya at nilayuan. Lumikas siya kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya kabilang siya sa mga lumikas. Nakasuot siya ng tagpi-tagping kasuutan samantalang noong siya ay nasa Makkah sa piling ng mga magulang niya ay nagsusuot ng pinakamaganda sa mga kasuutan, subalit iniwan niya ang lahat ng iyon upang lumikas kay Allah at sa Sugo Niya. Ibinigay sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang watawat sa Araw ng Uḥud. Naging martir siya, malugod si Allah sa kanya. Nakasuot siya ng balabal [noong namatay]. Kapag ibinalot nila ito sa ulo niya, lumilitaw ang mga paa niya, Iyon ay dahil sa ikli ng balabal. Kapag naman binalot nila ang mga paa niya, lumilitaw ang ulo niya. Kaya nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ipantakip ito sa ulo niya at takpan ang mga paa niyan ng tanglad, isang kilalang halaman. Binabanggit ni `Abdurraḥmān bin `Awf ang kalagayan ng lalaking ito. Pagkatapos ay sinasabi niya: Tunay na sila ay yumao na at naligtas sa [tukso ng] Mundo, ang maraming samsam, na binuksan ni Allah sa mga dumating matapos nila, gaya ng sinabi ni Allah, pagkataas-taas Niya: "at maraming samsam na kinukuha nila." (Qur'an 48:19) Pagkatapos ay sinabi pa ni `Abdurraḥmān bin `Awf, malugod si Allah sa kanya: "Natakot nga tayo na ang [gantimpala] sa mga magandang gawa natin ay minadali na sa atin." Ibig sabihin: Natakot tayo na mapabilang sa pangkat ng mga sinabihan hinggil dito: 'Ang sinumang nagnanais ng panandalian ay mamadaliin Namin para sa kanya rito ang loloobin Namin para sa kaninumang nanaisin Namin. Pagkatapos ay itatalaga Namin para sa kanya ang Impiyerno na papasukin niya na nilalait na pinagtatabuyan.' (Qur'an 17:18) Ang sabi pa Niya, pagkataas-taas Niya: 'Inubos na ninyo ang mga mabuti ninyo sa buhay ninyong makamundo at nagtamasa na kayo sa pamamagitan ng mga ito.' (Qur'an 46:20) Nasaad ito ayon kay `Umar, malugod si Allah sa kanya. Ito ay dahil sa ang pangamba ay nananaig sa kanila kaya natakot siya, malugod si Allah sa kanya, na ang mga magandang gawa nila ay minadali na ang gantimpala sa kanila sa Mundong ito. Umiyak siya sa pangamba at takot na hindi siya isasama sa mga nauna sa kanya na mga matuwid. Pagkatapos ay iniwan niya, malugod si Allah sa kanya, ang pagkain.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin