+ -

عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما مرفوعاً: «ما من غازيَةٍ أو سَرِيَّةٍ تغزو فَتَغْنَم وَتَسْلَمُ إلا كانوا قد تَعَجَّلُوا ثُلُثَي أُجُورِهِمْ، ومَا من غَازِيَةٍ أَوْ سَرِيَّةٍ تُخْفِقُ وَتُصَابُ إِلاَّ تم أُجُورُهُمْ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Kapag may maliit o malaking pangkat na nakipaglaban, nakakuha ng samsam, at nakaligtas, natanggap nga nila nang maaga ang dalawang katlo ng mga kabayaran nila. Kapag may maliit o malaking pangkat na nabigo at dinapuan ng kasawian, malulubos ang mga kabayaran nila [sa Kabilang-buhay]."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang hadith ay may dalawang posibilidad: Una: Na ang bawat pangkat ay nakipaglaban sa mga kaaway. Pagkatapos ay nakaligtas sila laban sa mga iyon at nakakuha ng samsam sa digmaan. Tunay na ang kabayaran ng pangkat na ito ay higit na kaunti kaysa sa isang pangkat na hindi nakaligtas o nakaligtas at hindi nakakuha ng samsam. Ito ang itinuring ni An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah, na matimbang na pakahulugan. Ikalawa: Ang hadith ay patunay sa pagiging ipinahihintulot ng samsam sa digmaan at hindi nakababawas ito sa gantimpala [sa Kabilang-buhay]. Mayroon lamang ditong pagpapaaga sa ilan sa gantimpala nito. Magkapantay sa gantimpala ang nakakuha ng samsam at ang hindi nakakuha ngunit ang nakakuha ng samsam ay maagang pinagkakalooban ng dalawang katlo (2/3) ng gantimpala niya. Ang nakakuha ng samsam at ang hindi nakakuha ay magkapantay sa kabuuan ng gantimpala. Tutumbasan naman ni Allah sa Kabilang-buhay ang hindi nakakuha ng samsam ng katumbas sa hindi niya nakuha mula sa samsam sa digmaan. Si Allah ay nagpaparami ng gantimpala sa sinumang loloobin Niya gaya ng sinabi ni Ibnu `Abdirraḥmān, kaawaan siya ni Allah.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan