+ -

عن عائشة رضي الله عنها مرفوعاً: «ما ضرب رسول الله صلى الله عليه وسلم شيئا قَطُّ بيده، ولا امرأة ولا خادما، إلا أن يجاهد في سبيل الله، وما نيِل منه شيء قَطُّ فينتقم من صاحبه، إلا أن ينتهك شيء من محارم الله تعالى، فينتقم لله تعالى».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "Hindi namalo ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gamit ang kamay niya sa anuman ni sa isang babae ni sa isang alila, maliban sa pakikibaka sa landas ni Allah. Ang pananakit sa kanya na anuman, hindi kailanman siya naghiganti sa gumawa niyon, malibang may nilabag na anuman sa mga ipinagbawal ni Allah, pagkataas-taas Niya, at maghihiganti siya para kay Allah, pagkataas-taas Niya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Kabilang sa mga kaasalan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na siya ay hindi nanakit ng anuman sa mga hayop ni sa mga hindi hayop sa anumang panahon. Hindi siya nanakit ng isang babae ni isang katulong gayong ang kaugalian ng higit na marami sa mga tao noon ay ang manakit ng dalawang ito. Kung hindi sinaktan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang dalawang ito sa kabila ng umiiral na kaugaliang iyon noon, ang iba pa sa dalawang ito na kabilang sa mga hindi nasanay saktan ay higit na karapat-dapat hindi saktan, maliban sa pakikibaka sa landas ni Allah upang itaas ang salita ni Allah, pagkataas-taas Niya. Walang nakagawa ng masama sa kanya at pinaghigantihan niya iyon, gaya ng nangyaring paghampas ng mga Kāfir sa ulo niya sa Uḥud at pagkabasag ng ngipin sa tabi ng pangil niya, at iba pang nangyaring masamang ginawa nila. Sa kabila niyon, nagpaumanhin siya, nagpalampas siya, nagtimpi siya, at hindi naghiganti, maliban na lamang kapag nilabag ang mga ipinagbabawal ni Allah sapagkat tunay na hindi niya palalampasin sa isa man iyon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin