عن عائشة رضي الله عنها قالت: يا رسولَ اللهِ، إِنَّ لِي جَارَيْنِ، فإلى أَيِّهِمَا أُهْدِي؟ قال: «إلى أَقْرَبِهِمَا مِنْكِ بَابًا».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong dalawang kapit-bahay kaya sa alin sa kanilang dalawa ako magreregalo?" Nagsabi siya: "Sa pinakamalapit sa kanilang dalawa sa iyo sa pintuan."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagtanong si`Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na mayroon akong dalawang kapit-bahay at inutusan nga akong magparangal sa kapit-bahay nang lubusan ngunit hindi ko kakayanin ang pagreregalo sa kanilang dalawa nang magkasabay kaya sa alin sa kanilang dalawa ako magreregalo upang matupad sa akin ang pagkabilang sa pangkat ng mga nagsasagawa ng pagpaparangal sa kapit-bahay?" Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sa pinakamalapit sa kanilang dalawa sa iyo sa pintuan."