عن أبي قتادة وأنس بن مالك رضي الله عنهما مرفوعاً: «إني لأقوم إلى الصلاة، وأريد أن أُطَوِّلَ فيها، فأسمع بكاء الصبي فأَتَجَوَّزُ في صلاتي كراهيةَ أن أَشُقَّ على أمه».
[صحيح] - [حديث أبي قتادة -رضي الله عنه-: رواه البخاري.
حديث أنس -رضي الله عنه-: متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kina Abū Qatādah at Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na ako ay talagang tumitindig para sa pagdarasal at nagnanais na magpahaba niyon ngunit naririnig ko ang iyak ng paslit kaya nagpapaikli ako sa pagdarasal ko sa pagkasuklam na makapagpahirap ako sa ina nito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay lumalahok sa pagdarasal sa kongregasyon bilang imām. Siya ay nagnanais na magpahaba ng dasal ngunit kapag naririnig niya ang iyak ng bata, pinagagaan niya sa pangambang makapagpahirap ang pagpapahaba sa ina niyon dahil sa pagkakaabala ng puso nito sa anak nito.