عَنْ أَبِي حُمَيْدٍ السَّاعِدِيِّ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
اسْتَعْمَلَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ رَجُلًا عَلَى صَدَقَاتِ بَنِي سُلَيْمٍ، يُدْعَى ابْنَ اللُّتْبِيَّةِ، فَلَمَّا جَاءَ حَاسَبَهُ، قَالَ: هَذَا مَالُكُمْ وَهَذَا هَدِيَّةٌ. فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «فَهَلَّا جَلَسْتَ فِي بَيْتِ أَبِيكَ وَأُمِّكَ، حَتَّى تَأْتِيَكَ هَدِيَّتُكَ إِنْ كُنْتَ صَادِقًا» ثُمَّ خَطَبَنَا، فَحَمِدَ اللَّهَ وَأَثْنَى عَلَيْهِ، ثُمَّ قَالَ: «أَمَّا بَعْدُ، فَإِنِّي أَسْتَعْمِلُ الرَّجُلَ مِنْكُمْ عَلَى العَمَلِ مِمَّا وَلَّانِي اللَّهُ، فَيَأْتِي فَيَقُولُ: هَذَا مَالُكُمْ وَهَذَا هَدِيَّةٌ أُهْدِيَتْ لِي، أَفَلاَ جَلَسَ فِي بَيْتِ أَبِيهِ وَأُمِّهِ حَتَّى تَأْتِيَهُ هَدِيَّتُهُ، وَاللَّهِ لاَ يَأْخُذُ أَحَدٌ مِنْكُمْ شَيْئًا بِغَيْرِ حَقِّهِ إِلَّا لَقِيَ اللَّهَ يَحْمِلُهُ يَوْمَ القِيَامَةِ، فَلَأَعْرِفَنَّ أَحَدًا مِنْكُمْ لَقِيَ اللَّهَ يَحْمِلُ بَعِيرًا لَهُ رُغَاءٌ، أَوْ بَقَرَةً لَهَا خُوَارٌ، أَوْ شَاةً تَيْعَرُ» ثُمَّ رَفَعَ يَدَهُ حَتَّى رُئِيَ بَيَاضُ إِبْطِهِ، يَقُولُ: «اللَّهُمَّ هَلْ بَلَّغْتُ» بَصْرَ عَيْنِي وَسَمْعَ أُذُنِي.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6979]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ḥumayd As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
Nagtalaga ang Sugo ni Allah (s) ng isang lalaki sa [pagkalap ng] mga kawanggawa ng Angkan ng Sulaym, na tinatawag na Anak ng Lutbīyah. Noong dumating ito, nakipagtuos siya rito. Nagsabit ito: "Ito ay yaman ninyo at ito naman ay regalo [sa akin]." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Kaya bakit kaya hindi ka naupo sa bahay ng ama mo at ina mo hanggang sa pumunta sa iyo ang regalo mo, kung ikaw ay naging tapat?" Pagkatapos nagtalumpati siya sa amin kaya nagpuri siya kay Allah at nagbunyi Rito. Pagkatapos nagsabi siya: "Hinggil sa matapos niyan, tunay na ako ay nagtalaga ng lalaki kabilang sa inyo sa paggawa mula sa iniatang sa akin ni Allah saka dumating ito saka nagsabi ito: 'Ito ay yaman ninyo at ito naman ay regalo, na iniregalo sa akin.' Kaya bakit ba hindi siya naupo sa bahay ng ama niya at ina niya hanggang sa pumunta sa kanya ang regalo niya? Sumpa man kay Allah, walang nangunguhang isang kabilang sa inyo ng anuman nang walang karapatan sa kanya malibang makikitagpo siya kay Allah habang nagpapasan siya nito sa Araw ng Pagbangon. Talagang hindi nga ako kikilala sa isa kabilang sa inyo, na makikitagpo kay Allah habang nagpapasan ng isang kamelyong mayroon itong pag-ungal, ng isang bakang mayroon itong pag-unga, at ng isang tupang umuungol." Pagkatapos nag-angat siya ng kamay niya hanggang sa nakita ang kaputian ng kilikili niya habang nagsasabi: "Nakapagpaabot kaya ako?" [Nagsabi ang tagasalaysay:] "Ayon ito sa pagkakita ng mata ko at pagkarinig ng tainga ko."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6979]
Nagtalaga ang Propeta (s) ng isang lalaking sinasabing Anak ng Lutbīyah, na nagtitipon ng zakāh mula sa lipi ng Angkan ng Sulaym. Noong nakabalik ito sa Madīnah, nakipagtuos siya rito. Nagsabit naman ang Anak ng Lutbīyah: "Ito ay yaman ninyo na tinipon ko mula sa zakāh at ang yamang ito naman ay iniregalo sa akin." Kaya nagsabi siya rito (s): "Kaya bakit ba hindi ka naupo sa bahay ng ama mo at ina mo nang sa gayon maghintay ka kung may magreregalo kaya sa iyo, kung ikaw ay naging tapat? Tunay na ang mga tungkulin na ginawa mo alang-alang doon ay ang kadahilanan sa pagreregalo sa iyo. Kung sakaling nanatili ka sa tirahan mo, walang ireregalo sa iyo na anuman. Kaya naman hindi nararapat sa iyo na magsolo nito dahil lamang sa pagiging ito ay nakarating sa iyo bilang regalo." Pagkatapos umakyat siya (s) sa pulpito bilang mananalumapati, habang siya ay galit, saka nagpuri siya kay Allah at nagbunyi Rito. Pagkatapos nagsabi siya: "Hinggil sa matapos niyan, tunay na ako ay nagtalaga ng lalaki kabilang sa inyo bilang isang manggagawang empleyado sa tungkulin na inilagay ni Allah sa akin ang pangangasiwa ron kabilang sa mga zakāh at mga samsam sa digmaan saka dumating ito mula sa gawain niya saka nagsabi ito: 'Ito ay para sa inyo at ito naman ay regalo, na iniregalo sa akin!' Kaya bakit ba hindi siya naupo sa bahay ng ama niya at ina niya hanggang sa pumunta sa kanya ang regalo niya? Sumpa man kay Allah, walang nangunguhang isa man ng anuman mula sa ibinibigay sa kanya nang walang karapatan sa kanya malibang makikitagpo siya kay Allah habang siya nagpapasan nito sa Araw ng Pagbangon sa leeg niya, kung ang kinuhaha niya ay isang kamelyong mayroon itong tunog ng pag-ungal o isang isang bakang mayroon itong tunog ng pag-unga, at isang tupang mayroon itong ungol na hinihiyaw nito." Pagkatapos nag-angat siya ng kamay niya nang matindi hanggang sa nakakita ang mga nakaupo sa kaputian ng mga kilikili niya. Pagkataapos nagsabi siya: "O Allah nakapagpaabot ng kahatulan Mo sa kanila." Pagkatapos nagbatid si Abū Ḥumayd As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya) na ito ay kabilang sa nakita ng mata ko at narinig ng tainga niya.