عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«أَكْمَلُ الْمُؤْمِنِينَ إِيمَانًا أَحْسَنُهُمْ خُلُقًا، وَخَيْرُكُمْ خَيْرُكُمْ لِنِسَائِهِمْ».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن الترمذي: 1162]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pinakalubos sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan. ِAng pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa mga kababaihan nila."}
[Maganda] - - [سنن الترمذي - 1162]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakalubos sa mga tao sa pananampalataya ay ang sinumang gumanda ang kaasalan niya. Iyon ay sa pamamagitan ng kaaliwalasan ng mukha, pagkakaloob ng nakabubuti, kagandahan ng pagsasalita, at pagpipigil ng perhuwisyo.
Ang pinakamabuti sa mga mananampalataya ay ang pinakamabuti sa kanila sa mga kababaihan nila gaya ng maybahay niya, mga babaing anak niya, mga babaing kapatid niya, at mga babaing kamag-anak niya dahil sila ay kabilang sa pinakamarapat sa mga tao sa kagandahan ng kaasalan.