عن أنس رضي الله عنه قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يُفْطِرُ من الشهر حتى نظن أن لا يصوم منه، ويصوم حتى نظن أن لا يُفْطِرَ منه شيئا، وكان لا تَشَاءُ أن تراه من الليل مُصَلِيًا إلا رأيتَه، ولا نائما إلا رأيتَه.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan hanggang sa inaakala naming hindi siya nag-aayuno rito,At Nag-aayuno siya hanggang sa aakalain naming hindi siya sumisira [sa pag-aayunong ito] kahit na isang beses lang,At walang gabing [lumilipas na] gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya`y makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] tulog maliban sa siya`y makikita mo.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang kahulugan ng Hadith: Ipinapahayag sa atin ni Anas-malugod si Allah sa kanya-ang kalagayan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pag-aayuno niya at pagdarasal.Sinasabi niyang siya ay hindi nag-aayuno sa loob ng isang buwan,hanggang sa akalain ng mga tao na siya nag-ayuno rito kahit na isang beses lang,dahil sa dami ng hindi niya pag-aayuno rito. At nag-aayuno siya hanggang sa iisipin na wala siyang sinisirang pag-aayuno rito,dahil sa dami ng pag-ayuno niya rito,At gayunding hindi siya nagtatalaga ng tiyak na oras-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagdarasal ng gabi,Subalit minsan ay nagdarasal siya sa unang bahagi ng gabi,at minsan ay gitna nito,at minsan ay sa huli nito.Hanggang sa walang gabing gusto mo siyang makitang nagdarasal maliban sa siya ay makikita mo,at walang [ gabing gusto mo siyang makita sa ] tulog maliban sa siya`y makikita mo.Ang gawain niya ay sa pagitan ng pagmamalabis at kapabayaan.