+ -

عن أبي جُرَيٍّ الْهُجَيْمِيِّ رضي الله عنه قال: أتيت رسول الله صلى الله عليه وسلم فقلت: عليك السلام يا رسول الله. قال: «لا تَقُلْ عليك السلام؛ فإن عليك السلام تحيَّة المَوْتَى».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في الكبرى]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Jurayy Al-Hujaymīy, malugod si Allah sa kanya: "Pinuntahan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi ako: '`Alayka -ssalām (Sumaiyo ang kapayapaan) o Sugo ni Allah.' Nagsabi siya: 'Huwag kang magsabi ng `alayka -ssalām (sumaiyo ang kapayapaan) sapagkat tunay na ang `alayka -ssalām ay pagbati ng mga patay.'"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: May isang lalaki na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at bumati sa kanya sa pamamagitan ng pagsabi nito ng: "`Alayka -ssalām (sumaiyo ang kapayapaan) o Sugo ni Allah." Pinagbawalan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na bumati sa gayong paraan. Bahagi ng pagkasuklam niya roon ay hindi siya tumugon dito at nilinaw niya rito na ang pagbating ito ay: "pagbati ng mga patay." Pagkatapos ay nilinaw niya rito ang paraang isinabatas na pagbati ng kapayapaan gaya ng nasaad sa ibang ḥadīth. Sabihin mo: "Assalāmu `alayka." Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang `alayka -ssalām ay pagbati ng mga patay" ay hindi naman nangangahulugan iyon na ang pagbating ito ay ipambabati sa pagdalaw ng mga libingan dahil ang napagtibay buhat sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdalaw sa mga libingan ay magsabi ng "Assalāmu `alaykum ahla dāri qawmin mu`minīn..." (Ang kapayapaan ay sumainyo mga nanatili sa tahanan ng mga taong mananampalataya...) Bagkus sinabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyan bilang pagtukoy sa umiral na kaugalian ng mga tao ng Jāhilīyah sa pagbati sa mga patay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Tamil
Paglalahad ng mga salin