عَنْ ابْنَ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِذَا رَأَيْتُمُوهُ فَصُومُوا، وَإِذَا رَأَيْتُمُوهُ فَأَفْطِرُوا، فَإِنْ غُمَّ عَلَيْكُمْ فَاقْدُرُوا لَهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1900]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Kapag nakita ninyo iyon ay mag-ayuno kayo at kapag nakita ninyo iyon ay tumigil-ayuno kayo ngunit kapag pinalabo sa inyo ay magtaya kayo para rito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1900]
Naglinaw ang Propeta (s) ng pagpasok ng buwan ng Ramaḍān at paglabas nito sapagkat nagsabi siya: "Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ng Ramaḍān, mag-ayuno kayo; ngunit kung may humarang sa pagitan ninyo at niyon na ulap at natakpan sa inyo, ibilang ninyo na may 30 araw para sa buwan ng Sha`bān. Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ng Shawwāl, tumigil-ayuno kayo; ngunit kung may humarang sa pagitan ninyo at niyon na mga ulap at natakpan sa inyo, ibilang ninyo na may 30 araw para sa buwan ng Ramaḍān."