+ -

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما قال: «أَهَلَّ النبيُّ صلى الله عليه وسلم وأصحابُه بالحج، وليس مع أحد منهم هَدْيٌ غير النبي صلى الله عليه وسلم وطلحة، وقدم علي رضي الله عنه من اليمن. فقال: أَهْلَلْتُ بما أَهَلَّ به النبي صلى الله عليه وسلم فأمر النبي صلى الله عليه وسلم أصحابه: أن يجعلوها عمرة، فيطوفوا ثم يُقَصِّرُوا ويَحِلُّوا، إلا من كان معه الهَدْي، فقالوا: ننطلق إلى مِنًى وَذَكَرُ أَحَدِنَا يَقْطُرُ؟ فبلغ ذلك النبي - صلى الله عليه وسلم- فقال: لَوِ اسْتَقْبَلْتُ من أَمْرِي مَا اسْتَدْبَرْتُ ؛ ما أَهْدَيْتُ ، ولولا أن معي الهَدْيَ لَأَحْلَلْتُ. وحاضت عائشة. فَنَسَكَتْ المنَاسِك كلها، غير أنها لم تَطُفْ بالبيت. فلما طَهُرت وطافت بالبيت قالت: يا رسول الله، تَنْطَلِقُونَ بحج وعمرة، وأنطلق بحج؟ فأمر عبد الرحمن بن أبي بكر: أن يخرج معها إلى التَّنْعِيمِ ، فاعتمرت بعد الحج».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jāber bin ''Abdullāh-malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Nagsagawa ng Ihram ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at ang mga kasamahan para sa Hajj,at wala ni isa sa kanila ang mayroong pang-alay, maliban sa Propeta -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at si Talhah,At dumating si 'Alī-malugod si Allāh sa kanya-mula sa Yaman,Nagsabi siya:Nagsagawa ako ng ihram tulad ng pgsasagawang ihram ng Propeta pagapalain siya ni Allāh at pangalagaan-,Ipinag-utos ng Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-sa mga kasamahan niya: na gawin nila itong para sa Umrah,Magsasagawa sila ng tawāf pagkatapos ay magpapagupit at magtanggal ng kanilang ihrām,maliban sa sinumang mayroong pang-alay,Nagsabi sila: Pupunta tayo sa Minā habang ang ari ng isa sa atin ay tumutulo [dahil sa pagtatalik sa asawa]?Naiparating ito sa Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at siya ay nagsabi:Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin; Hindi ako mag-aalay, kung hindi lamang mayroon akong pang-alay, tunay na ako ay nagtanggal na ng ihrām.At nagkaregla si 'Āishah,siya ay sumamba at ginawa ang lahat ng gawain para sa Hajj,maliban sa siya ay hindi nagsagawa ng tawāf sa Tahanan [ ni Allāh],At nang siya ay naging dalisay at nakapagsagawa ng tawāf sa Tahanan [ni Allāh],siya ay nagsabi:O Sugo ni Allāh! Aalis kayo para pagsasagawa ng Hajj at 'Umrah, at ako ay aalis para sa Hajj lamang?Inutusan niya si 'Abdurrahmān bin Abē Bakar na sumama sa kanya sa Tan'īm,Nagsagawa siya ng Umrah pagkatapos ng Hajj))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Inilalarawan ni " Jāber bin 'Abdullāh"-malugod si Allāh sa kanilang dalawa-ang pagsasagawa ng Hajj ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na siya ay ang mga kasamahan niya ay nagsagawa ng Ihrām para sa Hajj,at walang nagdala ng kahit na isa sa kanila ng pang-alay maliban sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at si Talhah bin 'Ubaydillāh.At si 'Alīy bin Abē Tālib ay nasa Yemen,Dumating siya.At kabilang sa pag-uunawa niya,nagsagawa siya ng Ihrām at iniangkop niya ang pagsasagawa niya ng Ihrām sa pagsasagawang Ihrām ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.At nang dumating siya sa Meccah,inutusan sila ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-na palitan ang [layunin nila] sa pagsasagawa ng Ihrām mula sa Hajj patungo sa 'Umrah,At ang [pagsasagawa nila ng] Tawāf at Sa'ye, ay magiging para sa 'Umrah,pagkatapos ay maggugupit sila at magtatanggal ng Ihrām sa ganap nitong pagtatanggal.At ito ay para sa karapatan ng hindi nakapagdala ng pang-alay.Subalit para sa nakapagdala nito,at kabilang rito ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-nanatili sila-pagkatapos ng pagsasagawa nila ng Tawāf at Sa'ye- sa pagsuot ng kanilang Ihrām.Ang sabi ng yaong nautusan na palitan ang kanilang [pagsasagawang] Hajj ng 'Umrah-na may pagkamangha at pagdadakila-:Papaano kami magtatanggal ng Ihrām at nakikipagtalik kami sa mga asawa namin, pagkatapos ay pupunta tayo sa "Minā" na naghihintay sa para magsagawa ng Hajj,Habang ay bagong[yakap sa Islam] sa mga panahong yaon?At ng maiparating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang sinabi nila at ang pagdadakila nila rito sa kanilang mga sarili,Naging panatag ang kanilang kalooban sa anumang katotohanan, at Nagsabi siya:Kung hindi lamang nauna ko itong gawin,tunay na hindi ko ito babawiin;Hindi ako magdadala ng pang-alay na siyang naging dahilan upang hadlangan ako sa pagtatanggal ng Ihrām, at tunay na magtatanggal ako [ng Ihrām] kasama ninyo, Kaya nasiyahan ang mga sarili nila at naging panatag ang mga puso nila.Dinatnan ng regla si 'Āishah sa lugar na malapit sa papasukan nila sa Meccah,Kaya naging Qārinah [ang uri ng isinasagawa niyang Hajj];Dahil ang regla niya ay naging hadlang sa kanya sa pagsasagawa ng Tawāf sa Bahay[ ni Allāh], at isinagawa niya ang lahat ng mga gawain [para sa Hajj] maliban sa pagsasagawa ng Tawāf at Sa'ye.At nang siya ay naging dalisay at nakapagsagawa ng Tawāf para sa Hajj niya,nagkaroon siya ng pagdamdam sa kanyang sarili,Dahil ang karamihan sa mga kasamahan ng Propeta-at kabilang sa kanila ay ang mga asawa ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay gumawa sila ng gawaing 'Umrah na hiwalay at mga gawaing Hajj.Habang siya ay ipinasok ang gawaing Umrah niya sa kanyang Hajj.Ang sabi niya: O Sugo ni Allāh! Aalis kayo [upang magsagawa ng ] Hajj at 'Umrah, at ako ay aalis para sa pagsasagawa [lamang] ng Hajj?Kaya't pinanatag ang nasa saloobin niya,at inutusan niya ang kapatid niyang si 'Abdurrahmān na lumabas kasama siya sa Tan'īm, at nagsagawa siya ng 'Umrah pagkatapos ng Hajj

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan