عائشة رضي الله عنها قالت: «فَتَلْتُ قَلَائِدَ هَدْيِ رسولِ الله صلى الله عليه وسلم ، ثم أَشْعَرْتُها وَقَلَّدَهَا -أو قَلَّدْتُها-، ثم بعث بها إلى البيت، وأقام بالمدينة، فما حَرُمَ عليه شيءٌ كان له حِلًّا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.-siya ay nagsabi: ((Binaluktot ko ang kwintas ng hayop [na kakatayin bilang pag-alay] ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pagkatapos ay linagyan ko ito ng palatandaan at sinabitan niya ng kwintas o sinabitan ko ito ng kwintas-pagkatapos ay ipinapadala niya ito sa Ka`bah,at naninirahan siya sa Madinah.Hindi niya ipinagbawal sa kanyang [sarili] ang mga bagay [na ipinagbabawal sa taong nasa kalagayan ng ihram] na sa kanya ay ipinahintulot))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay dinadakila niya ang Ka`bah at binabanal niya ito,At kapag hindi siya nakakarating dito mismo sa sarili niya,nagpapadala siya rito ng Hadiy [hayop bilang pang-alay],bilang pagdadakila sa kanya,at pagpapaluwag sa mga nakapalibot rito.At kapag nagpadala siya ng Hadiy [hayop bilang pang-alay],linalagyan niya ito ng palatandaan at sinasabitan ng kwintas;para malaman ng mga tao na ito ay Hadiy [hayop bilang pang-alay] sa maluwalhating Ka`bah.kaya igagalang nila ito,at hindi nila ito gagawan ng masama,Nabanggit ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-bilang pagpapatibay sa naiulat: Na binabaluktot niya ang kwintas nito,at kapag ipinapadala niya ito-at siya ay naninirahan sa Madinah-Hindi niya iniiwasan ang mga bagay na iniiwasan ng taong nasa kalagayan ng Ihram; mula sa mga kababaihan,pabango,pagsuot ng may sinulid at iba pang tulad nito,subalit nananatili siya sa pagpapahintulot sa sarili niya,sa lahat ng mga bagay na ipinapahintulot sa kanya.