عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمِنين رَضيَ اللهُ عنها قَالَتْ:
جَاءَتْنِي مِسْكِينَةٌ تَحْمِلُ ابْنَتَيْنِ لَهَا، فَأَطْعَمْتُهَا ثَلَاثَ تَمَرَاتٍ، فَأَعْطَتْ كُلَّ وَاحِدَةٍ مِنْهُمَا تَمْرَةً، وَرَفَعَتْ إِلَى فِيهَا تَمْرَةً لِتَأْكُلَهَا، فَاسْتَطْعَمَتْهَا ابْنَتَاهَا، فَشَقَّتِ التَّمْرَةَ الَّتِي كَانَتْ تُرِيدُ أَنْ تَأْكُلَهَا بَيْنَهُمَا، فَأَعْجَبَنِي شَأْنُهَا، فَذَكَرْتُ الَّذِي صَنَعَتْ لِرَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: «إِنَّ اللهَ قَدْ أَوْجَبَ لَهَا بِهَا الْجَنَّةَ، أَوْ أَعْتَقَهَا بِهَا مِنَ النَّارِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2630]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May pumunta sa akin na isang dukha habang nagdadala ng dalawang babaing anak niya saka nagpakain ako sa kanya ng tatlong pirasong datiles. Nagbigay naman siya sa bawat isa sa dalawang bata ng isang datiles at nag-angat naman siya papunta sa bibig niya ng isang datiles upang kaiinin ito nguni hiningi ito ng dalawang babaing anak niya kaya hinati niya ang datiles - na kanina ay ninanais niyang kainin - sa dalawang bata. Kaya nagpamangha sa akin ang inasal niya saka binanggit ko ang ginawa niya sa Sugo ni Allah (s) kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allah ay nag-obliga nga para sa kanya dahil dito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2630]
Binanggit ng ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na may isang babaing dukha na nagdala ng dalawang babaing anak nito sa kanya. Nanghingi ito sa kanya kaya pinakain niya ito ng tatlong pirasong datiles. Nagbigay naman ito sa bawat isa sa dalawang naka nito ng isang datiles at nag-angat ito papunta sa bibig nito ng isang datiles upang kaiinin ito nguni hiniling ng dalawang babaing anak nito ang datiles - na kanina ay ninanais niyang kainin - kaya hinati nito ang datiles sa dalawang bata. Kaya nagpamangha kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ang inasal nito. Binanggit niya ang ginawa ng babae sa Propeta (s) kaya nagsabi ito: "Tunay na si Allah ay nag-obliga nga para sa kanya dahil sa datiles na ito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."