+ -

عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قَالَ:
كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَجْوَدَ النَّاسِ، وَكَانَ أَجْوَدُ مَا يَكُونُ فِي رَمَضَانَ حِينَ يَلْقَاهُ جِبْرِيلُ، وَكَانَ يَلْقَاهُ فِي كُلِّ لَيْلَةٍ مِنْ رَمَضَانَ فَيُدَارِسُهُ القُرْآنَ، فَلَرَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَجْوَدُ بِالخَيْرِ مِنَ الرِّيحِ المُرْسَلَةِ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6]
المزيــد ...

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang pinakagalante sa Ramaḍān kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel. Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging isinugo.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6]

Ang pagpapaliwanag

Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakadakila sa mga tao sa pagkamapagbigay. Siya noon ay nagpaparami ng pagkamapagbigay niya sa buwan ng Ramaḍān yayamang siya noon ay nagbibigay ng nararapat sa sinumang nararapat. Ang kadahilanan sa karagdagan ng pagkamapagbigay niya ay dalawang bagay:
A. Ang pakikipagkita niya kay Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga).
B. Ang pakikipag-aralan niya ng Qur'ān, na pagbigkas ng Qur'ān buhat sa memorya.
Nakikipag-aralan sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ng lahat ng bumaba mula sa Qur'ān. Talagang ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinakamapagbigay, pinakamarami sa pagbibigay at sa paggawa ng kabutihan, at pinakamabilis sa pagpapakinabang sa nilikha kaysa sa kaaya-ayang hangin na isinugo ni Allāh kalakip ng saklolo at awa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الدرية الرومانية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw ng kagalantehan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at lawak ng pagkamapagbigay niya lalo na sa Ramaḍān sapagkat tunay na ito ay ang buwan ng mga pagtalima at mga panahon ng mga kabutihan.
  2. Ang paghimok sa kagalantehan sa bawat oras. Isinakaibig-ibig ang karagdagan sa buwan ng Ramaḍān.
  3. Ang pagpaparami ng pagkakaloob, pagbibigay, paggawa ng maganda, at pagbigkas ng Qur'ān sa buwan ng Ramaḍān.
  4. Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaingat ng kaalaman ay ang pakikipag-aralan nito sa mga estudyante ng kaalaman at mga maaalam.