عن البراء بن عازب –رضي الله عنهما- قال: كانَ رجلٌ يَقرَأُ سُورةَ الكهفِ، وعندَه فَرَسٌ مَربُوطٌ بِشَطَنَيْنِ، فَتَغَشَّتْهُ سَحَابَةٌ فَجَعَلَتْ تَدْنُو، وجَعلَ فَرَسُه يَنفِرُ منها، فلمّا أصبحَ أتَى النبيَّ صلى الله عليه وسلم فَذَكرَ ذلك له، فقالَ: «تِلكَ السَّكِينةُ تَنَزَّلَتْ للقُرآنِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Bara` bin Azib-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:((Mayroong isang lalaki na nagbabasa ng Kabanata ng Kahf,at mayroon siyang kabayo na nakatali sa dalawang lubid,at natakpan ito ng ulap,at itoy lumalapit,at tumakbo ang kabayo,papalayo rito,At nang kina-umagahan,dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at binanggit niya ito sa kanya,Nagsabi siya:(( Ang yaong katahimikan,ay bumaba dahil sa Qur-an))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nabanggit ni Barra` bin A`zib-malugod si Allah sa kanya-isang kwentong nakakamangha na nangyari sa panahon ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na kung saan ,mayroong isang lalaki na nagbabasa ng Surat Al-Kahf, at sa tabi nito ay kabayo na nakatali sa lubid,at natakpan ito ng bagay na tulad ng lilim,at ginawa nitong lumapit ng lumapit,At natakot ang kabayo sa nakita niya at tumakbo,At nang kina-umagahan ang lalaki,Dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at binanggit niya ito,Ipinahayag sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na ang yaong katahimikan ay bumaba ng basahin ang Qur-an,bilang kabutihang-loob sa isang kasamahan ng Propeta,na nagbabasa(Qur-an) at pagsasaksi mula kay Allah-Pagkataas-taas Niya,na ang salita Niya ay totoo,at ang lalaki ay si Usayd bin Hudhayr-malugod si Allah sa kanya.