+ -

عن حذيفة بن اليمان رضي الله عنهما وحفصة بنت عمر بن الخطاب رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كَانَ إِذَا أَرَادَ أَنْ يَرْقُدَ، وَضَعَ يَدَهُ اليُمْنَى تَحْتَ خَدِّهِ، ثُمَّ يَقُولُ: «اللَّهُمَّ قِني عذابك يوم تبعث عبادك». وفي رواية: أنه كان يقوله ثلاث مرات.
[صحيح دون قوله: "ثلاث مرات"] - [حديث حذيفة: رواه التُرمذي وأحمد. حديث حفصة: رواه أبو داود والنسائي في الكبرى وأحمد. والزيادة في حديث حفصة]
المزيــد ...

Ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān, malugod si Allāh sa kanya, at ayon kay Ḥafṣah bin `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagnais siya noon na humiga, inilalagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng pisngi niya. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "Allāhumma qinī `adhābaka yawma tab`athu `ibādak. (O Allāh, iligtas Mo ako sa parusa Mo sa araw na bubuhayin Mo ang mga lingkod Mo.)" Sa isang sanaysay: "na siya noon ay nagsasabi nito nang tatlong ulit."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth na ito ay tumatalakay sa sunnah na panggawain at pampananalita mula sa mga sunnah ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang kapwa sunnah ay bahagi ng mga sunnah ng pagtulog. Ang sunnah na panggawain ay ang anyo ng pagtulog ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nilinaw na sa atin ni Ḥudhayfah, malugod si Allāh sa kanya, ang anyo ng pagtulog ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi siya: "kapag nagnais siya noon na humiga, inilalagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng pisngi niya." Dito ay may patunay na ang pagtulog ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakahiga sa kanang tagiliran niya dahil kapag inilagay niya ang kanang kamay niya sa ilalim ng pisngi niya, siya ay natutulog sa kanang tagiliran niya nang walang pagdududa. Nagpapatunay doon ang mga ibang sanaysay. Subalit ang ḥadīth na ito ay nagdagdag ng paglalagay ng kamay sa ilalim ng pisngi. Kaya ang sinumang makakayang gawin iyon ay gawin niya iyon bilang pagtulad; at ang sinumang nagkasya sa pagtulog sa kanang tagiliran, tunay na ito ay sasapat sa kanya. Nagpapatunay roon na ang ilan sa mga sanaysay ay nagsaad lamang ng pagtulog ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kanang tagiliran niya nang walang pagbanggit ng paglalagay ng kamay sa ilalim ng pisngi. Kaya talagang marahil ginagawa iyon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, magkaminsan. Tinutukoy iyon ng pagbanggit niyon ng ilan sa mga Kasamahan at ng hindi pagbanggit ng mga iba pa. Subalit ang lahat ng mga sanaysay ay nagkaisa na ang pagtulog ay sa kanang bahagi kaya naman nagpapatunay iyon na ito ang sunnah na na itinatakda. Ang "pagkatapos" sa "Pagkatapos ay nagsasabi siya..." ay nagpapahiwatig ng pagkakasunud-sunod at pagkaantala. Ito ay ang naaangkop sa kalagayan ng sinumang nagnanais matulog. Siya ay humihiga muna sa kanang bahagi ng katawan niya, naglalagay ng kanang kamay niya sa ilalim ng kanang pisngi niya, pagkatapos ay nagsasabi ng dhikr matapos niyon. Hindi isinasakundisyong sabihin ng tao ang dhikr na ito kaagad-agad matapos ang paghiga dahil ang "pagkatapos" ay nagpapahiwatig ng pagkaantala. Kaya kung sakaling nakipag-usap ang tao sa asawa niya, pagkatapos ay sinabi ang dhikr matapos niyon, walang anuman iyon. "O Allāh, iligtas Mo ako sa parusa Mo sa araw na bubuhayin Mo ang mga lingkod Mo." Dito ay dumalangin siya sa pamamagitan ng pinakadakilang pangalan ni Allāh, alinsunod sa sabi ng ilan sa kanila. Ito ang pahayag ng mayoriya sa mga maalam. Ang "iligtas Mo ako" ay pangalagaan Mo ako laban sa pagdurusa sa araw ng pagkabuhay. Ang pararilang "iligtas Mo ako" ay sumasaklaw sa lahat pagliligtas mula kay Allāh bilang kabutihang-loob at kagandahang-loob, o pagtatama sa tao sa paggawa ng ikinadadahilan ng pagpasok sa Paraiso at pagkaligtas sa parusa, o sumasaklaw ang dalawang ito nang magkasama. Ito ang matimbang dahil ang pangkalahatan ay ang batayan at hindi dumudulog sa pagtatangi malibang dahil sa patunay. Ang pararila, gaya ng nakikita mo, ay sumasakop sa dalawang kahulugan. Ang sabi niyang: "parusa Mo" ay lumalahat sa lahat ng mga uri ng parusa sa araw na iyon. Napaloloob dito ang parusa sa Apoy bilang pangunahing pagpapaloob subalit ang Araw na ito ay tinawag ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na Araw ng Humahagupit (Al-Qāri`ah), Nakabibingi (Aṣ-Ṣākhkhah), Nag-uumapaw (Aṭ-Ṭāmmah), Pagbangon (Al-Qiyāmah)…na nagpapahiwatig ng hilakbot nito at tindi nito. Kaya ang nababagay ay ang dumalangin kay Allāh, pagkataas-taas Niya, ng kaligtasan sa parusa sa araw na iyon. Ang sabi niyang "parusa Mo" ay pag-uugnay ng parusa kay Allāh, pagkataas-taas Niya, upang magpahiwatig ng hilakbot nito, tindi nito, at bigat nito. Naglalaman din ito ng kahulugan ng pagpapaubaya yayamang ang Panginoon, napakamaluwalhati Niya, ay ang Tagapangasiwa, ang Nakapangingibabaw. Ang pararila ay nagtataglay ng posibilidad at pagkasaklaw ng dalawang kahulugan. Tingnan mo ang maselang pagkakasang-ayon sa pagitan ng pagtulog na kapatid ng kamatayan o maliit na kamatayan, at ng pagkabuhay na susunod sa kamatayan sapagkat ang ḥadīth ay naglalaman ng isang maselang eksaktong pagkakasang-ayong nagbubuklod sa pangyayari at kasunod nito. Ito ay bahagi ng kapitaganan at kagandahan ng mga pananalita ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin