عن شكل بن حميد رضي الله عنه قال: قلت: يا رسول الله، عَلِّمْنِي دعاء، قال: (قل: اللهم إني أعوذ بك من شر سمعي، ومن شر بصري، ومن شر لساني، ومن شر قلبي، ومن شر مَنِيِّي).
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Shakal bin Ḥumayd, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ako: O Sugo ni Allāh, turuan mo po ako ng isang panalangin. Nagsabi siya: Sabihin mo: "Allāhumma, innī a`dhu bika min sharri sam`ī wa min sharri baṣarī wa min sharri lisānī wa min sharri qalbī wa min sharri manīyī. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko, laban sa kasamaan ng paningin ko, laban sa kasamaan ng dila ko, laban sa kasamaan ng puso ko, at laban sa kasamaan ng maselang bahagi ko.)"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Sa ḥadīth na ito, pumupunta si Shakal bin Ḥumayd, malugod si Allāh sa kanya, sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na naghahanap ng mga kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na siya ay hindi humihiling sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang makamundong bagay na maglalaho, ni isang dakot na yaman, ni isang takal na pagkain, subalit siya ay pumunta na humihiling ng panalangin. Ninanais niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na turuan siya ng panalanging pakikinabangan niya sa relihiyon niya at makamundong buhay niya. Ito ang reyalidad ng mga Kasamahan: naghahangad sila ng kabutihang-loob mula kay Allāh at kaluguran. Kaya naman ginabayan siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungo sa dakilang kapita-pitagang panalanging ito at nagsabi sa kanya: Sabihin mo: "O Allāh, tunay na ako..." Dito ay dumalangin siya kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at bumaling sa Kanya sa pamamagitan ng pangalan Niyang sumasaklaw sa lahat ng napakagagandang mga pangalan ni Allāh: "Allāh." Ang "nagpapakupkop" sa "nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko..." ay nangangahulugang nagpapakalinga ako kay Allāh, pagkataas-taas Niya, laban sa kasamaan ng pandinig. Ito ay ang nakararating sa pandinig ng tao na mga ipinagbabawal gaya ng pagsaksi sa kabulaanan, salita ng kawalang-pananampalataya at kasinungalingan, pangmamaliit sa Islām, at lahat ng nakaabot sa pandinig ng tao na mga ipinagbabawal. Ang "laban sa kasamaan ng paningin ko..." ay ang paggamit nito sa pagtingin sa mga ipinagbabawal gaya ng mga mahalay na film at mga masagwang panoorin. Ang "laban sa kasamaan ng dila ko..." ay nangangahulugang laban sa bawat ipinagbabawal na maaaring lumabas mula sa dila gaya ng pagsaksi sa kabulaanan, panlalait, pagsumpa, at pangmamaliit sa Islām at mga alagad nito, o pagsasalita ng hindi nauukol sa tao, o pagtigil sa pagsasalita ng nauukol doon, at iba pa. Ang "laban sa kasamaan ng puso ko..." ay ang pagpuno sa puso ng hindi pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, o pagbaling sa iba pa kay Allāh, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng mga pagsambang pampuso gaya ng pag-asa, pangamba, pagkasindak, at pagdakila, o pag-iwan ng kinakailangan sa kanya na pagtutuon ng mga pagsambang pampuso sa Panginoon, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Ang "at laban sa kasamaan ng maselang bahagi ko" ay nangangahulugang laban sa kasamaan ng maselang bahagi na masadlak sa anumang ipinagbawal ni Allāh o masadlak ako sa mga panimula ng pangangalunya gaya ng pagtingin, paghipo, paglalakad tungo roon, pagpapasya, at mga tulad niyon. Ang pinagpalang panalanging ito ay naglalaman ng pangangalaga sa mga bahagi ng katawan, na bahagi ng mga pagpapala ni Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-utos lamang dito na magpakupkop kay Allāh laban sa kasamaan ng mga pagpapalang ito at hindi nag-utos na magpakupkop laban sa mga pagpapalang ito gaya ng pagsabi ng: "Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa pandinig ko" dahil ang mga ito ay mga pagpapala at sa pamamagitan ng mga ito sinasamba si Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang mga ito ay hindi lantay na kasamaan para magpakupkop laban sa mga ito bagkus magpapakupkop laban sa kasamaang maaaring mamutawi sa mga ito. Ang pangangalaga sa mga ito ay sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa layon ng pagkakalikha sa mga ito para sa tao at na hindi magsagawa sa pamamagitan ng mga ito ng pagsuway ni magpalaganap sa pamamagitan ng mga ito ng bisyo sapagkat siya ay pananagutin sa Araw ng Pagkabuhay hinggil sa mga pagpapalang ito bilang patotoo sa sabi ni Allāh (Qur'ān 17:36): '"Huwag mong sundan ang anumang wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat isa sa mga iyon ay pananagutin."