عن عبد الله بن زيد بن عاصم قال: «لما أفَاء الله على رسوله يوم حُنَيْنٍ؛ قَسَم في الناس، وفي المُؤَلَّفَةِ قلوبهم، ولم يعطِ الأنصار شيئا. فكأنهم وجدوا في أنفسهم؛ إذ لم يُصِبْهُمْ ما أصاب الناس.
فخطبهم؛ فقال: يا معشر الأنصار، ألم أجدكم ضُلاَّلاً فهداكم الله بي؟ وكنتم متفرقين فَأَلَّفَكُمُ الله بي؟ وَعَالَةً فأغناكم الله بي؟ كلما قال شيئًا؛ قالوا: اللهُ ورسولُه أمَنُّ. قال: ما يمنعكم أن تجيبوا رسول الله؟ قالوا: الله ورسوله أمَنُّ. قال: لو شِئْتُمْ لقلتم: جئتنا كذا وكذا. أَلَا تَرْضَوْنَ أن يذهب الناس بالشاة والبعير، وتذهبون برسول الله إلى رحَالِكُم؟ لولا الهجرة لكنت امْرَأً من الأنصار، ولو سلك الناس واديًا أو شِعْبًا، لَسَلَكْتُ وادي الأنصار وَشِعْبَهَا. الأنصار شِعَارٌ، والناس دِثَارٌ، إنكم ستلقون بعدي أَثَرَةً ، فاصبروا حتى تلقوني على الحوض».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Zayd bin `Āṣim, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Noong ibinigay ni Allāh sa Sugo Niya ang nasamsam sa digmaan sa araw ng Ḥunyan, hinati-hati niya ito sa mga tao at napalulubag-loob ang mga puso ngunit hindi siya nagbigay sa Anṣār ng anuman kaya para bang siya ay nalungkot para sa sarili nila yamang hindi niya sila nabigyan ng ibinigay niya sa mga tao. Kinausap niya sila: "O pulutong ng Anṣār, hindi ko ba kayo natagpuang mga naliligaw at pinatnubayan kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Kayo noon ay mga nagkakahati-hati at pinagbuklod kayo ni Allāh sa pamamagitan ko? Mga dahop at binigyan kayo ng kasapatan ni Allāh sa pamamagitan ko?" Sa tuwing may sinabi siya, nagsasabi sila: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit ay higit na mapagkaloob. Nagsabi siya: Ano ang pumipigil sa inyo sa pagtugon sa Sugo ni Allāh. Nagsabi sila: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na mapagkaloob. Nagsabi: Kung sakaling niloob ninyo, talagang sinabi sana ninyo: Pumunta ka sa amin na ganito at ganiyan. Hindi ba kayo nalulugod na umaalis ang mga tao kasama ang mga tupa at ang mga kamelyo at aalis kayong kasama ang Sugo ni Allāh patungo sa mga tinatahanan ninyo? Kung hindi sa paglikas talagang ako sana ay naging isang lalaking kabilang sa Ānṣār. Kung sakaling pumaloob ang mga tao sa isang lambak o isang daanang bundok, talagang pumaloob na sana ako sa lambak ng Ānṣār at daanang bundok nila. Ang Ānṣār ay mga damit panloob at ang mga tao ay mga damit panlabas.Tunay na kaya ay makatatagpo matapos ko ng pagtatangi-tangi kaya magtitiis kayo hanggang sa makatagpo ninyo sa lawa.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Noong nagbukas si Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng maraming samsam sa digmaan sa labanan sa Ḥunayn at matapos na itinigil niya ang pagkubkob sa Ṭā'if, binalikan niya ang mga samsam sa digmaan, na ang pinakamarami sa mga ito ay mga hayupan yamang natipon ang higit sa 40,000 kamelyo at 125,000 tupa. Nagbigay ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa mga taong bagong yakap sa Islām upang mabuklod sila ngunit tinutulan iyon ng ilan sa Anṣār. Ang mabubuti sa kanila ay nakaaalam na ang pakikitungo ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pakikitungo ayon sa karapatan. Noong nakaabot sa kanya ang sinasabi nila yamang nagsabi ang ilan sa kanila: Nagbibigay ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng samsam sa mga tao na tumutulo ang mga tabak natin ng mga dugo ni Allāh at iniiwan niya tayo. Ipinag-utos ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na tipunin sila sa harap niya sa isang kupola. Nagtipon sila at nagsabi siya: "May sinasabing nakaabot sa akin tungkol sa inyo..." Pinagsabihan niya sila at kinilala niya sa kanila ang ipinagkaloob nilang tulong sa kanya at sa Islām na inihatid niya. Bumuti ang pakiramdam nila at nalaman nila dahil doon ang malaking inilaan ni Allāh para sa kanila na pagiging kasamahan ng Sugo Niya at pagbabalik nila kasama niya mga tinatahanan nila, karagdagan pa sa inilaan ni Allāh para sa kanila sa tahanan sa Kabilang-buhay dahil sa ipinagkaloob niya at inialay nila Inutusan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magtiis sa makatatagpo nila matapos niya na kanya na pagtatangi-tangi.