+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: «بعث رسول الله صلى الله عليه وسلم عمر رضي الله عنه على الصدقة. فقيل: منع ابن جميل وخالد بن الوليد، والعباس عم رسول الله صلى الله عليه وسلم . فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم ما يَنْقِم ابن جميل إلا أن كان فقيرا: فأغناه الله؟ وأما خالد: فإنكم تظلمون خالدا؛ فقد احْتَبَسَ أَدْرَاعَهُ وَأَعْتَادَهُ في سبيل الله. وأما العباس: فهي عليَّ ومثلها. ثم قال: يا عمر، أما شَعَرْتَ أن عمَّ الرجل صِنْوُ أبيه؟».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Ipinadala ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si `Umar, malugod si Allah sa kanya, para kalapin ang kawanggawa. Sinabing tumanggi sina Ibnu Jamīl, Khālid bin Al-Walīd, at si Al-`Abbās, ang tiyuhin ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Naiinis si Ibnu Jamīl gayong siya noon ay maralita lamang at pinayaman siya ni Allah. Tungkol naman kay Khālid, tunay na kayo ay lumalabag sa katarungan kay Khālid sapagkat inilaan niya ang mga baluti niya at ang mga kagamitan niya sa landas ni Allah. Tungkol naman kay Al-Abbās, [ang kawanggawang] ito ay pananagutan ko na at ang tulad nito." Pagkatapos ay nagsabi siya: "O `Umar, hindi mo ba nadama na ang tiyuhin ng lalaki ay wangis ng ama niya?"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinadala ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, para sa pagkalap ng zakāh. Noong dumating `Umar kay Al-`Abbās bin `Abdulmuṭṭalib upang kunin ang zakāh, ipinagkait niyon ito; at ganoon din sina Khālid bin Al-Walīd at Ibnu Jamīl. Kaya pumunta si `Umar sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na idinadaing ang tatlong ito. Nagsabi siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tungkol kay Ibnu Jamīl, wala siyang anumang dahilan sa pagkakait nito dahil siya noon ay maralita at pinayaman siya ni Allah at ang pagpapayamang ito ay humihiling na siya ay maging una sa mga tao sa pagbibigay. Tungkol naman kay Khālid bin Al-Walīd, tunay na kayo ay lumalabag sa katarungan sa kanya dahil sa sabi ninyong ipinagkait niya ang zakāh. Inilaan na nga niya ang mga baluti niya at ang mga kagamitan niya sa landas ni Allah. Kaya papaanong mangyayari ang pagkakait ng zakāh mula sa isang lalaking nagpakalapit kay Allah, pagkataas-taas Niya, sa pamamagitan ng paggugol ng hindi naman isinasatungkulin sa kanya pagkatapos ipagkakait niya ang isinatungkulin ni Allah sa kanya? Tunay na ito ay malayong mangyari." Tungkol naman kay Al-Abbās, pinasan na ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. May posibilidad na iyon ay dahil sa katayuan at kalagayan ni Al-Abbās. Nagpapatunay roon ang sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi mo ba nalaman na ang tiyuhin ng lalaki ay wangis ng ama niya?" TaysIr Al-`Allām 1/304, Tanbīh Al-Afhām 399, at Ta’sīs Al-Aḥkām Sharḥ Ḥadīth numero 173.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin