عن عبد الله بن مَعْقِلٍ قال: «جلستُ إلى كَعْبِ بن عُجْرَةَ، فسألته عن الفدية، فقال: نزلت فِيَّ خاصة. وهي لكم عامة. حُمِلْتُ إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم وَالقَمْلُ يَتَنَاثَرُ على وجهي. فقال: ما كُنْتُ أُرَى الوَجَعَ بَلَغَ بِكَ ما أَرَى -أو ما كنت أُرَى الجَهْدَ بلغ بك ما أَرى-! أَتَجِدُ شاة؟ فقلت: لا. فقال: صم ثلاثة أيام، أو أطعم ستة مساكين -لكل مسكين نصف صاع-».
وفي رواية: «فأمره رسول الله صلى الله عليه وسلم أن يُطْعِمَ فَرَقًا بَيْنَ سِتَّةِ ، أو يُهْدِي شَاةً ، أو يصوم ثلاثة أيام».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Mula kay Abdullah Bin Ma'qil ay nagsabi: ((Nakaupo ako kay Ka'b Bin Ujrah, at itinanong ko siya tungkol sa Fidyah (tubos), at sabi niya: Bumaba siya sa akin eksklusibo, at siya ay para sa inyong lahat. Naidala ako patungo sa Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- at ang mga kuto ay nagkahulog sa aking mukha, at kanyang sinabi: Hindi pa ako nakasaksi ng sakit tulad ng sakit na nasaksihan kong umabot sayo -o hindi pa ako naipakitaan ng paghihirap tulad ng naipakita sa akin na sumapit sa iyo- may mahanap ka bang tupa? at sabi ko: Wala. at sabi Niya: mag-ayuno ka ng tatlong araw, o magpakain ka ng anim na taong mahirap- sa bawat isang mahirap ay kalahating Saa' -paglalagyan ng sukat ng mga butil, nagtitimbang ng halos tatlong kilo-)). at sa isang salaysay: ((At inutusan siya ng Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na magpakain siya ng putul-putol sa pagitan ng anim o magkatay o mag-ayuno ng tatlong araw)).
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nakita ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- si "Ka'b Bin Ujrah" sa Hudaybiyah at siya ay naka-ihram, at ang mga kuto ay nagkahulog sa kanyang mukha dahil sa sakit, kaya halos natunaw o naawa ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa kanyang kalagayan at kanyang sinabi: "hindi ko sukat akalain na ang paghihirap ay aabot sa iyo ng ganito na aking nakikita. Pagkatapos ay kanyang tinanong: Makakahanap ka ba ng tupa? sagot niya: Hindi, ibinaba ng Allah -mapagpala Siya at pagkataas-taas-: {sinuman sa inyo ang nagkasakit o may pinsala sa kanyang ulo ay mag-fidyah (magganti) siya mula sa pag-ayuno o magkawang-gawa o mag-katay} ang talata. Dahil doon ipinagpili siya ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa pagitan ng pag-aayuno ng tatlong araw, o magpakain ng anim na mahihirap, sa bawat taong mahirap ay kalahating Sa'a ng trigo o iba pa man, at iyon ay bilang pagbabayad sa kanyang pagkalbo ng kanyang buhok kung saan napilitan siyang gawin iyon sa kanyang pag-ihram dahil lamang may dumapo sa kanya ng maliit na uri ng hayop, at sa ibang salaysay, ipinagpili siya sa pagitan ng tatlo.