عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا:
أَنَّ تَلْبِيَةَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَبَّيْكَ اللهُمَّ، لَبَّيْكَ، لَبَّيْكَ لَا شَرِيكَ لَكَ لَبَّيْكَ، إِنَّ الْحَمْدَ وَالنِّعْمَةَ لَكَ وَالْمُلْكَ لَا شَرِيكَ لَكَ» قَالَ: وَكَانَ عَبْدُ اللهِ بْنُ عُمَرَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا يَزِيدُ فِيهَا: لَبَّيْكَ لَبَّيْكَ، وَسَعْدَيْكَ، وَالْخَيْرُ بِيَدَيْكَ، لَبَّيْكَ وَالرَّغْبَاءُ إِلَيْكَ وَالْعَمَلُ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1184]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Ang talbiyah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay: "Labbayka -llāhumma labbayka; labbayka lā sharīka laka labbayk. Inna -lḥamda wa-nni`mata laka wa-lmulka, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; walang katambal sa Iyo.)"} Sinabi: "Si `Abdullāh bin `Umar noon (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagdaragdag dito ng: "Labbayka labbayka wa-sa`dayka, wa-lkhayru bi-yadayk. Labbayka wa-rragbā'u ilayka wa-l`amal. (Bilang pagtugon sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo, at bilang pagpapaligaya Mo, ang kabutihan ay nasa mga kamay Mo. Bilang pagtugon sa Iyo, at ang pagkaibig ay sa Iyo at ang paggawa.)"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1184]
Ang talbiyah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siya ng pagpasok sa gawain ng ḥajj o `umrah, ay ang magsabi ng: "Labbayka -llāhumma labbayka; (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo;)" Bilang pagsagot sa Iyo matapos ng pagsagot sa ipinaanyaya Mo sa amin na pagpapakawagas, Tawḥīd, pagsasagawa ng ḥajj, at iba pa sa mga ito. "labbayka lā sharīka laka labbayk. (bilang pagtugon sa Iyo, walang katambal sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo.)" sapagkat Ikaw, tanging Ikaw, ang karapat-dapat sa pagsamba: walang katambal sa Iyo sa pagkapanginoon Mo, pagkadiyos Mo, at mga pangalan Mo at mga katangian Mo. "Inna -lḥamda (Tunay na ang papuri)" at ang pasasalamat at ang pagbubunyi. "wa-nni`mata (at ang pagbibiyaya)" ay mula sa Iyo at Ikaw ay tagapagbigay nito. "laka. (ukol sa Iyo.)" Ibinabaling ito sa bawat kalagayan. "wa-lmulka, (at ang paghahari;)" Gayon din ukol sa Iyo. "la sharīka lak. (walang katambal sa Iyo.)" sapagkat ang lahat ng mga ito ay ukol sa Iyo – tanging sa Iyo. Si `Abdullāh bin `Umar noon (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay nagdaragdag dito ng: "Labbayka labbayka wa-sa`dayka, (Bilang pagtugon sa Iyo, bilang pagtugon sa Iyo, at bilang pagpapaligaya Mo,) Magpaligaya Ka sa akin ng isang pagpapaligaya matapos ng isang pagpapaligaya. "wa-lkhayru bi-yadayk. ([at] ang kabutihan ay nasa mga kamay Mo.)" Ang kabuuan nito at mula sa kabutihang-loob Mo. "Labbayka wa-rragbā'u ilayka (Bilang pagtugon sa Iyo, at ang pagkaibig ay sa Iyo)" Ang paghiling at ang paghingi ay sa Kanya na nasa kamay Niya ang kabutihan. "wa-l`amal. (at ang paggawa.)" Sapagkat Ikaw ang Karapat-dapat sa pagsamba.