عن عبد الله بن عباس رضي الله عنهما قال: كانت عُكَاظُ، ومَجِنَّةُ، وذُو المجَازِ أسوَاقَاً في الجاهلية، فَتَأَثَّمُوا أنْ يَتَّجِرُوا في المواسم، فنزلت: {ليس عليكم جناح أن تبتغوا فضلاً من ربكم} "البقرة" (198) في مواسم الحج.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang `Ukāđ, ang Mijannah, at ang Dhulmajāz ay mga palengke noong Panahon ng Kamangmangan. Nangamba silang magkasala sa pangangalakal sa mga panahon [ng ḥajj] kaya bumaba [ang talata]: Hindi kasalanan para sa inyo na maghanap kayo ng kagandahang-loob mula sa Panginoon ninyo. (Qur'an 2:198) sa mga panahon ng ḥajj."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang mga lugar na ito noon ay mga palengke ng mga Mushrik. Nagkakalakalan sila sa mga ito sa mga araw ng ḥajj. Nangamba ang mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, na magkasala kapag nakipagkalakan sila sa mga ito sa araw ng ḥajj. Ibinaba ni Allah ang nabanggit na talatang ito upang linawin sa kanila na ang pangangalakal sa panahon ng ḥajj ay hindi nakasisira rito kasabay ng pagsasagawa ng mga rituwal sa paraang ayon sa Sharī`ah. Ang pangangalakal sa ḥajj ay ipinahihintulot subalit ang karapat-dapat at ang pinakamagaling ay ang italaga ang sarili sa pagsasagawa sa mga gawain ng ḥajj. Ito ang pinakamainam.