+ -

عن أم سلمة رضي الله عنها ، قالت: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «مَنْ كان له ذِبْحٌ يَذْبَحُهُ، فإذا أُهِلَّ هِلال ذِي الحِجَّة، فلا يَأْخُذَنَّ من شَعْرِه ولا من أظْفَارِه شيئا حتى يُضَحِّي».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Umm Salamah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang may alay na iaalay, kapag dumating ang bagong buwan ng Dhulḥijjah, huwag nga siyang kukuha mula sa buhok niya ni mula sa mga kuko niya ng anuman hanggang sa makapag-alay siya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni Umm Salamah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa sinumang nagnais na mag-alay ng hayop na kumuha ng anuman sa buhok nito o kuko nito hanggang hindi pa ito naiaalay. Kapag sumapit ang ikasampu ng buwan ng Dhulḥijjah at ikaw ay nagnanais na mag-alay ng hayop para sa sarili mo o para sa iba, huwag kang kumuha ng anuman mula sa buhok mo mula sa kilikili, o sa maselang bahagi, o sa bigote, o sa ulo hanggang sa nakapag-alay ka. Gayon din huwag kang kumuha ng anuman mula sa kuko: kuko ng paa o kuko ng kamay hanggang sa nakapag-alay ka. Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "huwag siyang kumuha mula sa buhok niya at balat niya ng anuman." Huwag siyang kukuha ng anuman hanggang sa nakapag-alay siya. Iyon ay paggalang sa mga alay at upang makamit ng mga hindi naka iḥrām ang nakamit ng mga naka iḥrām na paggalang dahil ang tao, kapag nagsagawa ng ḥajj o ng `umrah, siya ay hindi mag-aahit ng buhok sa ulo niya hanggang sa nakasapit ang alay sa lugar nito. Ninais ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na magtalaga sa mga lingkod Niyang hindi nagsagawa ng ḥajj o `umrah ng isang bahagi mula sa gawain ng ḥajj. Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 6/450.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin