عَنْ أَنَسٍ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ:
ضَحَّى النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِكَبْشَيْنِ أَمْلَحَيْنِ أَقْرَنَيْنِ، ذَبَحَهُمَا بِيَدِهِ، وَسَمَّى وَكَبَّرَ، وَوَضَعَ رِجْلَهُ عَلَى صِفَاحِهِمَا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5565]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nag-alay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng dalawang tupa na kulay puting nahaluan ng itim na may sungay. Kumatay siya ng dalawang ito sa pamamagitan ng kamay niya. Bumanggit siya [kay Allāh] at nagdakila. Naglagay siya ng paa niya sa mga gilid ng dalawang ito.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5565]
Nagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kumatay sa pamamagitan ng kamay niya sa Araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay ng dalawang lalaking tupa na may mga sungay, na kulay puting nahahaluan ng kaitiman. Nagsabi siya ng: Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh) at Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila). Naglagay siya ng paa niya sa leeg nito.