+ -

عَنْ رَافِعِ بْنِ خَدِيجٍ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ:
كُنَّا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِذِي الحُلَيْفَةِ، فَأَصَابَ النَّاسَ جُوعٌ، فَأَصَابُوا إِبِلًا وَغَنَمًا، قَالَ: وَكَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي أُخْرَيَاتِ القَوْمِ، فَعَجِلُوا، وَذَبَحُوا، وَنَصَبُوا القُدُورَ، فَأَمَرَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِالقُدُورِ، فَأُكْفِئَتْ، ثُمَّ قَسَمَ، فَعَدَلَ عَشَرَةً مِنَ الغَنَمِ بِبَعِيرٍ فَنَدَّ مِنْهَا بَعِيرٌ، فَطَلَبُوهُ، فَأَعْيَاهُمْ وَكَانَ فِي القَوْمِ خَيْلٌ يَسِيرَةٌ، فَأَهْوَى رَجُلٌ مِنْهُمْ بِسَهْمٍ، فَحَبَسَهُ اللَّهُ، ثُمَّ قَالَ: «إِنَّ لِهَذِهِ البَهَائِمِ أَوَابِدَ كَأَوَابِدِ الوَحْشِ، فَمَا غَلَبَكُمْ مِنْهَا فَاصْنَعُوا بِهِ هَكَذَا»، فَقَالَ أي رافع: إِنَّا نَرْجُو -أَوْ نَخَافُ- العَدُوَّ غَدًا، وَلَيْسَتْ مَعَنَا مُدًى، أَفَنَذْبَحُ بِالقَصَبِ؟ قَالَ: «مَا أَنْهَرَ الدَّمَ، وَذُكِرَ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ فَكُلُوهُ، لَيْسَ السِّنَّ وَالظُّفُرَ، وَسَأُحَدِّثُكُمْ عَنْ ذَلِكَ: أَمَّا السِّنُّ فَعَظْمٌ، وَأَمَّا الظُّفُرُ فَمُدَى الحَبَشَةِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2488]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Rāfi` bin Khadīj (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami minsan ay kasama ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Dhulḥulayfah, saka dumanas ang mga tao ng isang gutom, saka nakakuha sila ng mga kamelyo at mga tupa.} Sinabi: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa mga hulihan ng mga tao, kaya nagmadali sila, nagkatay sila, at nagsalang sila ng mga kaldero. Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalhin ang mga kaldero, saka itinaob ang mga ito. Pagkatapos namahagi siya [ng samsam]. Nagtumbas siya ng sampu ng mga tupa sa isang kamelyo. May nakatakas mula sa mga ito na isang kamelyo, kaya hinanap nila ito ngunit pinagod sila nito. Sa mga tao ay may kaunting kabayo. May isang lalaking nagpawala roon ng isang palaso, kaya nagpatigil niyon si Allāh. Pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na sa mga hayop na ito ay may mga mailap gaya ng mga mailap ng mabangis na hayop. Kaya ang anumang nakawala sa inyo mula sa mga ito, gumawa kayo rito ng ganito."} Kaya nagsabi si Rāfi`: {Tunay na kami ay nag-aasam – o nangangamba – sa kaaway bukas. Wala kaming dalang mga kutsilyo. Kaya magkakatay po ba kami sa pamamagitan ng bagakay?" Nagsabi siya: "Ang anumang nagpadaloy ng dugo at nabanggit ang pangalan ni Allāh rito, kainin ninyo ito. Hindi gagamit ng ngipin at kuko. Magsasanaysay ako sa inyo tungkol doon. Hinggil sa ngipin, buto ito. Hinggil naman sa kuko, kutsilyo ng Etyopya ito."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2488]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si Rāfi` bin Khadīj (malugod si Allāh sa kanya) na sila minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Dhulḥulayfah, saka dumanas ang mga tao ng isang gutom. Nakasamsam nga sila mula sa mga tagapagtambal ng mga kamelyo at mga tupa. Kaya nagmadali sila bago hatiin ang samsam, saka nagkatay sila mula sa mga ito, at nagsalang sila ng mga kaldero nang hindi nagpaalam sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglalakad sa mga hulihan ng mga tao. Kaya noong nalaman niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nag-utos siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalhin ang mga kaldero, saka itinaob ang mga ito kasama ng laman ng mga ito na sabaw. Pagkatapos ipinamahagi niya ang samsam sa pagitan nila. Ginawa niya ang sampu mula sa mga tupa na katumbas ng iisang kamelyo, ngunit may nakapuslit mula sa mga ito na isang kamelyo, ngunit nawalang-kakayahan sila sa paghabol dito at pagkaabot dito. Ang mga kabayo ay kaunti. May isang lalaking tumudla roon ng pana, kaya nagpatigil niyon si Allāh para sa kanila, saka nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na sa mga maamong hayop na ito ay may kalikasang gaya ng kalikasan ng mabangis na hayop. Kaya ang anumang nakawala sa inyo mula sa mga ito at nawalang-kakayahan kayo sa paghuli nito, gumawa kayo rito ng ganito." Kaya nagsabi si Rāfi`: "Tunay na kami ay nag-aasam na makipagharapan sa kaaway bukas at nangangamba na makapinsala sa talim ng mga sandata namin ang pagkatay namin sa pamamagitan ng mga ito samantalang ang pangangailangan ay apurahan para sa pagkatay. Wala kaming dalang mga kutsilyo para rito. Kaya magkakatay po ba kami sa pamamagitan ng mga patpat ng bagakay na kawayan?" Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang anumang nagpadaloy ng dugo, nagpaagos nito, nagbububo nito, at nabanggit ang pangalan ni Allāh rito, kainin ninyo ito, na hindi ang ngipin at kuko. Magsasanaysay ako sa inyo tungkol doon. Hinggil sa ngipin, buto ito. Hinggil naman sa kuko, ang mga tagatangging sumampalatayang mamamayan ng Etyopya ay gumagamit nito."

من فوائد الحديث

  1. Ang paghahayag ng isang aspeto ng pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa paglalakad niya sa likuran ng hukbo, pag-aalaga niya sa mga Kasamahan niya, pagsisiyasat niya sa kanila, at pagtanggap niya ng pagpapayo ng mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila).
  2. Ang pag-eedukasyon ng pinuno sa mga sakop niya at mga sundalo niya sapagkat nag-edukasyon nga sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kabila ng pagmamadali at pagsasagawang ito bago ng pagkuha ng pahintulot niya, kaya naman ang ganti sa kanila ay ang pagkakait sa kanila ng ninais nila.
  3. Ang bilis ng pagtugon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa mga utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  4. Ang pagsaway laban sa pagkuha mula sa samsam nang sa gayon mahati ito.
  5. Ang katarungan, lalo na sa pinamamayanan ng pakikibaka sa mga kaaway at mga tagatangging sumampalataya, dahil ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagwawagi at pananagumpay sa mga kaaway.
  6. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Kapag may nagpakabangis sa tao dahil may nakatakas na isang kamelyo o isang baka o isang kabayo o may kumawala na isang tupa o iba pa rito, ito ay gaya ng hayop na pinangangaso kaya pinapayagan ang pagtudla rito.
  7. Kinakailangan ang pagkatay ng hayop upang maipahintulot ang pagkain nito. Isinasakundisyon sa hayop: 1. na maging pinapayagan kainin ito; 2. na maging nakakayang hulihin samantalang ang hindi nakakayang hulihin, ang patakaran ay patakaran ng hayop na pinangangaso; 3. na maging isang hayop na pangkati (panlupa) samantalang ang hayop na pandagat ay hindi isinasakundisyon para rito ang pagkakatay.
  8. Ang mga kundisyon ng katumpakan ng pagkakatay: 1. Ang pagkamarapat ng tagapagkatay sa pamamagitan ng pagiging ito ay isang nakapag-uunawa (`āqil), na isang nakapagwawari (mumayyiz), na isang Muslim o isang Kitābīy (Hudyo o Kristiyano); 2. Ang pagbanggit ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagsisimula ng pagkakatay;[4] 3. Ang kaangkupan ng kasangkapan para sa pagkakatay sa pamamagitan ng pagiging ang kasangkapang ginagamit sa pagkakatay ay matalas na yari sa isang materyal na hindi ngipin at kuko; 4. Ang pagiging ang pagkakatay ay ang parte ng pagkatay sa nakakayang bahagi sa pamamagitan ng pagputol sa esopago, lalamunan, at dalawang jugular vein.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin