+ -

عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: «كانت أموال بَنِي النَّضِيرِ: مِمَّا أَفَاءَ الله على رسوله صلى الله عليه وسلم مِمَّا لم يُوجِفْ الْمسلمون عليه بِخَيْلٍ وَلا رِكَابٍ وكانت لرسول الله خالصاً، فكان رسول الله صلى الله عليه وسلم يَعْزِلُ نفقة أَهْلِهِ سَنَةً، ثُمَّ يجعل مَا بقي في الْكُرَاعِ، وَالسلاحِ عُدَّةً فِي سبيل الله عز وجل ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi.((Ang mga kayamanan ng Tribo na Nadher:ay kabilang sa ipinagkaloob ni Allah na labi ng digmaan [Fai] sa kanyang Sugo-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi kabilang sa mga iniudyok ng mga Muslim rito [sa pamamagitan] ng Kabayo o Kamelyo.At sa Sugo ni Allah ay may nakatalaga para sa kanya lamang,Hinihiwalay niya rito ang ginugugol niya sa pamilya niya sa liib ng isang taon,pagkatapos ay inilalagay niya ang mga natitira sa para sa mga kabutihan [ng mga Muslim,at sa mga sandata bilang paghahanda sa[ pakikipaglaban] sa daan kay Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nang dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Madinah na bilang tagalikas,Natagpuan niya sa paligid niya ang mga grupo g mga Hudyo,nakipagkasundo sa kanila at nakipag-ayos na mapapanatili sila sa relihiyon nila at hindisiya makikipaglaban sa kanila,at hindi niya tutulungan [ang sinuman] sa kanya ay kumalaban,Nakapatay ang isang lalaki mula sa mga kasamahan ng Propeta,na tinatawag sa pangalan na `Amr bin `Umayyah Addamri-malugod si Allah sa kanya-ng dalawang lalaki mula sa Tribo ni `Amer,inakala niya na sila ay kalaban ng mga Muslim,Tinanggap ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kabayaran sa dalawang lalaki,at lumabas siya sa nayon na tribo ng Annadher,upang humingi ng tulong sa dalawang kabayaran.Habang siya ay naka-upo sa isang lugar sa loob ng merkado nila at naghihintay ng tulong nila,pangako nila at pinagtangkaan nila siyang patayin,Dumating sa kanya ang Kapahayagan mula sa kalangitan sa pagtataksil nila,kaya lumabas siya mula sa nayon nila na naglilinlang sa kanila at sa mga naroroon sa mga kasamahan niya na siya ay tumayo upang pumunta sa palikuran at pumunta siya sa Madinah,at nang naantala niya ang mga kasamahan niya,lumabas sila sa palatandaan niya,at ipinagbigay alam niya sa kanila ang pagtataksil ng mga Hudyo-Naway ang Kapintasan ay mapasa kanila mula kay Allah-at napalibutan sila sa lugar nila ng anim na araw,hanggang sa naging ganap ang kasunduan na sila ay lalabas sa Sham,Herah,at Khaybar,At ang mga kayamanan nila [na ipinagkaloob ni Allah] ay Fai [labi ng digmaan] ng hindi magkasundong dalawang grupo,nakamit ito ng walang halong paghihirap na sumalubong sa mga Muslim,at hindi kayo nag-udyok rito [ng madaliang paglalakbay] sa pamamagitan ng mga kabayo at hindi rin sa mga Kamelyo,Ang mga kayamanan nila ay pagmamay-ari ni Allah at ng kanyang Sugo,Itinatago ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pagkain ng pamilya niya sa loob ng isang taon,at ginugugol niya ang natitira sa mga bagay na makakabuti para sa pangkalahatang mga Muslim,At ang pinaka -una nito sa mga oras na yaon ay paghahanda sa pakikipaglaban mula sa [pagbili ng] mga kabayo at sandata,at sa lahat ng oras ay may tamang pagkakataon sa paggugol,para sa kabutihan ng Pangkalahatan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Portuges Malayalam
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan