عن حُذَيْفَةَ بْنِ الْيَمَانِ رضي الله عنهما مرفوعاً: «لا تلْبَسُوا الحرير ولا الديباج، ولا تشربوا في آنية الذهب والفضة ولا تأكلوا في صِحَافِهِمَا؛ فإنَّهَا لهم في الدنيا ولكم في الآخرة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Hudhayfah bin Al-Yamān-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-((Huwag kayong magsuot ng sutla at Dībāj [damit na yari sa bakal] at huwag kayong uminom gamit ang lalagyang yari ginto at pilak,At huwag kayong kumain sa mga dulang nila, Sapagkat ito ay para sa kanila sa Mundo at ang sa inyo ay ang Kabilang buhay))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinagbawal ng Propeta-paagpaalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kalalakihan ang pagsuot ng sutla at Dībāj [damit na yari sa bakal]-dahil ang nito-para sa kalalakihan-ay [nagiging dahilan ng pagiging mahina,mukhang babae, paggaya sa mga kababaihan,malambot [ na pangangatwan] ,at mararangya.At ang lalaki ay kinakailangan maging matigas,malakas at kinatatakutan.At gayunding ipinagbawa niya sa bawat kalalakihan at kababaihan ang pagkain at paginom sa dulang na yari sa ginto at pilak at sa lalagyang tulad nito.At ang layunin ay tulad ng sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Na ang pagkain gamit ang bagay na ito sa mundo ay para lamang sa mga hindi mananampalataya,sila yaong nagmamadali sa mga magagandang bagay nila sa pamumuhay nila dito sa mundo,at nagpapakasarap sila rito;Subalit ang ito ay para sa inyo-O mga muslim-para sa Araw ng Pagkabuhay;Kapag iniwasan ninyo ang mga ito dahil sa takot ninyo kay Allah-Pagkataas-taas Niya-at pagiging sakim ninyo sa [mga bagay na makakamtan ninyo] sa kanya;Ipinagbawal ang mga paggaya sa kanila,at bilang pagsunod sa kautusan ni Allah-Pagkataas-taas Niya-kaya ipinagbawal ito.At gayundin ,sinuman ang magsuot ng sutla sa mga kalalakihan dito sa mundo,tunay na nagmadali siya sa pagpapakasaya rito,kaya hindi niya ito masusuot sa Kabilang buhay,Dahil sinuman ang magmadali sa mga bagay bago sumapit ang tamang panahon nito,sa pamamaraang ipinagbabawal,ay ipaparusa sa kanya ang pagbabawal rito,Tunay na si Allah ay mahigpit sa kaparusahan