+ -

عن معاذ بن أنس الجهني رضي الله عنه : أن النبي صلى الله عليه وسلم نَهى عن الحِبْوَةِ يوم الجمعة والإمام يخطب.
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Mu`ādh bin Anas Al-Juhanīy, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal ng upong ḥibwah sa araw ng Biyernes habang ang imām ay nagtatalumpati. [Ang upong ḥibwah: nakaupo sa pigi habang mga hita ay nakadikit sa tiyan.]
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang hadith na ito ay pinawalang-bisa gaya ng ipinahiwatig ni Abū Dāwud matapos ang naunang hadith. Tinukoy niya na si Mu`ādh bin Anas, malugod si Allah sa kanya, ay nagpapabatid na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa upong ḥibwah sa araw ng Biyernes habang ang Imām ay nagtatalumpati. Ang upong ḥibwah ay na ididikit ng tao ang mga hita niya sa tiyan niya at ang mga binti sa mga hita niya at tatalian niya ang sarili niya ng turban o tulad nito. Ipinagbawal nga ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang ang Imām ay nagtatalumpati sa araw ng Biyernes dahil sa dalawang kadahilanan. Una. Na marahil ang ḥibwah na ito ay magiging dahilan ng pagkatulog kaya makakatulog sa halip na makinig ng talumpati. Ikalawa. Dahil ito ay sandali ng posibilidad ng pagkalantad ng `awrah dahil ang kadalasan sa mga Arabe ay nakasuot ang isa sa kanila ng isang pirasong kasuutan kaya kapag naupo siya ng upong ḥibwah ay lalabas ang `awrah niya. Dahil dito nasaad ang pagbabawal doon nang lubusan gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim: "ipinagbawal...na umupong nakabalot sa iisang kasuutan habang nakalantad ang ari niya." Nagsabi si An-Nawawīy, kaawaan siya ni Allah: "Ang pag-upong ḥibwah na ito ay kaugalian noon ng mga Arabe sa mga pagtitipon nila. Kung malaladlad dahil dito ang anuman sa `awrah niya, iyon ay ipinagbabawal." Kapag naman naging ligtas sa pagkakalantad, walang masama roon dahil ang pagbabawal ay kapag may kadahilanang makatwiran at naglaho naman ang kadahilanan kaya maglalaho rin ang pagbabawal. Napagtibay buhat sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa Ṣaḥīḥayn mula sa hadith ayon kay `Ubbād bin Tamīm, ayon sa tiyuhin niya na: "nakita niya ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nakahiga sa masjid na nakapatong ang isa sa mga paa niya sa isa." Sharḥ Musmim ni An-Nawawīy 77/14 at Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn 449/6.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin