عن سَلَمَةَ بْنِ الأَكْوَعِ رضي الله عنه وكان من أصحاب الشجرة قال: «كنا نُصَلِّي مع رسول الله صلى الله عليه وسلم الْجُمُعَةَ، ثم نَنْصَرِفُ، وليس للحيطان ظِلٌّ نستظِلّ به».
وفي لفظ: «كنا نُجَمِّعُ مع رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا زالت الشمس، ثم نرجع فَنَتَتَبَّعُ الْفَيْءَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Salamah bin Al-Akwa`-malugod si Allah sa kanya-at siya ay kabilang sa mga nakasama sa [nangako] sa isang puno-siya ay nagsabi: ((Kami ay nagdarasal kasama ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Jumu`ah,pagkatapos ay nagsisi-alisan na kami,at ang dingding ay walang silong na maaari naming masilungan))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binabanggit ni Salamah bin Al-Akwa-kalugdan siya ni Allah-na sila ay nagsasaksi sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Jumu`ah,Sila ay nagdadasal ng maaga;kung saan ay tinatapos nila ang dalawang sermon at pagdarasal,pagkatapos ay nagsisipag-uwian sila sa mga tahanan nila,at wala sa mga ding-ding ang sapat na silong na masisilungan nila. At ang pangalawang salaysay: Sila ay nagdadasal ng Jumu`ah kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag lumihis ang araw,pagkatapos ay nagsisipag-uwian sila.Napag-kaisahan ng mga may kaalaman na ang huling oras sa pagdarasal ng Jumu`ah ay ang huling oras sa pagdarasal ng Al-Dhuhr,At ang inaka-una at pianaka-mainam ,ang pagdarasal pagkatapos ng paglihis ng[Araw],Sapagkat ito ang kadalasang gawain ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At dahil ito ang oras na napagkaisahan sa pagitan ng mga may kaalaman;maliban kung may kasunod itong matinding pangangailangan,tulad ng matinding init ng araw at wala sa kanila ang masisilungan rito,o ninais nilang lumabas upang makibaka [sa landas ni Allah] bago ang paglihis ng araw,ipinapahintulot ang pagdarasal rito bago ang paglihis ng araw,kapag napalapit na.