عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «مَنْ شهدَ الْجَنَازَةَ حتى يصلَّى عليها فله قِيرَاطٌ، ومن شهدها حتى تُدفن فله قِيرَاطان، قيل: وما القِيرَاطَانِ؟ قال: مثل الجبلين العظيمين».
ولمسلم: «أصغرهما مثل أُحُدٍ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Hurayrah- malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman Ang magsaksi ng ililibing hanggang sa maipanalangin ito,mapapa sa kanya Ang Qiraat (malaking gantimpala),at sinuman ang magsaksi nito hanggang sa mailibing,mapapa sa kanya ang dalawang Qiraat (malaking gantimpala),Sinabi sa kanya;Ano ang dalawang Qiraat? Sinabi niya; Katulad ng dalawang malaking bundok)), At Ayon sa ulat ni Imam Muslim; (( Ang pinaka maliit sa dalawang ito ay tulad ng bundok ng Uhod))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Allah Napaka-Mapagpala Niya at Pagkataas-taas Niya ay ubod ng kabaitan sa mga lingkod Niya,at iniibig Niya na ipamalas sa kanila ang mga dahilan ng kapatawaran,Kung kaya`t naisaad ang pangangaral sa pagdarasal sa patay at ang pagsaksi rito.Sapagkat ito ay pamagitan at magiging dahilan sa Habag Niya.Kaya`t ginawa Niya sa sinumang magdasal rito ang Qiraat (malaking gantimpala) mula sa mga gantimpala,at sa sinumang magsaksi nito hanggang sa paglibing ay iba pang Qiraat (malaking gantimpala),at ito ay napakalaking halaga ng gantimpala at napag-alaman ang halaga nito kay Allah-Pagkataas-taas Niya.At nang naging lingid sa mga kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanila-ang halaga nito,ihinambing ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa pinaka malapit na pag-uunawa nila,Na ang bawat Qiraat ay tulad ng malaking bundok,dahil sa napapaloob rito na pagsasagawa sa karapatan ng kapatid nitong Muslim at pananalangin niya sa kanya,At ang pagpapa-alala sa kayamanan at pagmamalaki ng mga Puso ng Ahlul Bayt at iba pa sa mga ito na may kabutihan.