عن ابن شماسة المهري قال: حَضَرنَا عَمرو بن العاص رضي الله عنه وهُو فِي سِيَاقَةِ الْمَوتِ، فَبَكَى طَوِيلاً، وَحَوَّلَ وَجهَهُ إِلَى الجِدَارِ، فَجَعَلَ ابنَهُ، يقول: يَا أَبَتَاهُ، أَمَا بَشَّرَكَ رسُول الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- بكَذَا؟ أمَا بشَّركَ رسول الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- بِكَذَا؟ فَأَقبَلَ بِوَجهِهِ، فقَالَ: إِنَّ أَفضَلَ مَا نُعِدُّ شَهَادَةُ أَنْ لاَ إِلَهَ إِلاَّ الله، وَأَنَّ مُحَمَّدًا رسولُ الله، إِنِّي قَدْ كُنتُ عَلَى أَطْبَاقٍ ثَلاَثٍ: لَقَدْ رَأَيتُنِي وَمَا أَحَدٌ أَشَدَّ بُغْضًا لِرَسُولِ الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- مِنِّي، وَلاَ أَحَبَّ إِلَيَّ مِنْ أَنْ أَكُونَ قَدْ اسْتَمْكَنْتُ مِنْهُ فَقَتَلْتُهُ، فَلَوْ مُتُّ عَلَى تِلْكَ الحَالِ لَكُنْتُ مِنْ أَهْلِ النَّارِ، فَلَمَّا جَعَلَ اللهُ الإِسْلاَمَ فِي قَلْبِي أَتَيتُ النَبيَّ -صلَّى الله عليه وسلَّم-، فَقُلتُ: ابْسُطْ يَمِينَكَ فَلِأُبَايِعُكَ، فَبَسَطَ يَمِينَهُ فَقَبَضْتُ يَدِي، فقال: «مَا لَكَ يَا عَمرُو؟» قُلتُ: أَرَدْتُ أَنْ أَشْتَرِطَ، قال: «تَشْتَرِطُ مَاذَا؟» قُلتُ: أَنْ يُغْفَرَ لِي، قال: «أَمَا عَلِمتَ أَنَّ الإِسْلاَمَ يَهْدِمُ مَا كَانَ قَبْلَهُ، وَأَنَّ الهِجْرَةَ تَهْدِمُ مَا كَانَ قَبْلَهَا، وَأَنَّ الحَجَّ يَهْدِمُ مَا كَانَ قَبْلَهُ؟» وَمَا كَان أَحَدٌ أَحبَّ إِلَيَّ مِنْ رسُول الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- وَلاَ أَجَلَّ فِي عَينِي مِنْهُ، وَمَا كُنْتُ أُطِيقُ أَنْ أَمْلَأَ عَينِي مِنْهُ؛ إِجْلاَلاً لَهُ، وَلَوْ سُئِلْتُ أَنْ أَصِفَهُ مَا أَطَقْتُ؛ لِأَنِّي لَمْ أَكُنْ أَمْلَأُ عَينِي مِنْهُ، وَلَوْ مِتُّ عَلَى تِلْكَ الحَالِ لَرَجَوْتُ أَنْ أَكُونَ مِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ، ثُمَّ وَلِينَا أَشْيَاءَ مَا أَدْرِي مَا حَالِي فِيهَا؟ فَإِذَا أَنَا مِتُّ فَلاَ تَصْحَبْنِي نَائِحَةٌ وَلاَ نَارٌ، فَإِذَا دَفَنْتُمُونِي، فَشُنُّوا عَلَيَّ التُرَابَ شَنًّا، ثُمَّ أَقِيمُوا حَولَ قَبرِي قَدْرَ مَا تُنْحَرُ جَزُور، وَيُقْسَمُ لَحْمُهَا، حتَّى أَسْتَأْنِسَ بِكُم، وَأَنْظُر مَا أُرَاجِعُ بِهِ رُسُلَ رَبِّي.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Ibn Shamasah Al-Mahriy,siya ay nagsabi:Dumalo kami kay `Amr bin Al-`Ass-malugod si Allah sa kanya-habang siya ay naghihingalo,napaiyak siya ng matagal at ibinaling niya ang mukha niya sa dingding,at sinabi ng anak niya na: O aking ama,Hindi ba`t nagbatid sa iyo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng ganito?iniharap niya ang mukha niya at nagsabing:Ang pinakamainam na dapat nating paghanda ay ang pagsasaksi ng walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at tunay na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Tunay na ako ngayon nasa tatlong kalagayan:Talagang nakita mo ako,at wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagkamuhi sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-liban sa akin,at wala na akong hinangad maliban sa magkaroon ako ng pagkakataon sa kanya at mapatay ko siya,Kung namatay lamang ako sa kalagayang yaon,ako ay mapapabilang sa mga taong mananahanan sa Impiyerno,At nang ipagkaloob ni Allah ang Islam sa aking puso,Pumunta ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi akong: Buksan mo ang kanang kamay mo,at tunay na talagang mangangako ako sa iyo,Binuksan niya ang kanang kamay niya,[ngunit] isinara ko ang kamay ko, Nagsabi siya: (( Ano ang nangyari sa iyo o `Amr?)) Nagsabi ako:Gusto kong magkaroon ng kondisyon,Nagsabi siya: ((Ano ang iyong kondisyon?)) Nagsabi ako: Na patawarin ako,Nagsabi siya: (( hindi mo pa napag-alam na ang Islam ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang paglikas ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang hajj ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],?)) Wala ng ibang taong higit pang pinakamamahal para sa akin mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at wala ng pinakadakila sa mga mata ko maliban sa kanya,at hindi ko kayang ititig ang mga mata ko sa kanya bilang pagdadakila sa kanya,At kahit na tanungin ako na ilarawan ko siya,hindi ko ito makakayanan,dahil hindi ko man lang siya natitigan ng mabuti,At kapag namatay ako sa yaong kalagayan,Ipagsusumamo ko na mapabilang ako sa mga mananahanan sa paraiso,pagkatapos ay pinamahalaan namin ang mga bagay na hindi ko napag-aalaman kong ano ang magiging sitwasyon ko rito, At kapag namatay ako,huwag ninyong isama sa akin ang naghihiyaw,at ni ang apoy,at kapag nailibing ninyo ako,ihulog ninyo sa akin ang lupa ng dahan- dahan,pagkatapos ay manatili kayo sa paligid ng aking puntod na kasing tagal ng pagkatay [sa kamelyo] ng nagkakatay,at ipamahagi niya ang karne nito,nang sa gayon ay mapanatag ako dahil sa inyo,at mapag-iisipan ko ang anumang isasagot ko sa mga sugo ng Panginoon ko
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Dala-dala ng Hadith ni `Amr bin Al-`As, malugod si Allah sa kanya-na naglalaman ng pamagat na magandang balita at maligayang pagbati sa isang kwento;At ang buod ng dakilang kwentong ;na dumalo sa kanya ang sa mga kasamahan habang siya ay nasa paghihingalo,napaiyak siya ng sobra at ibinaling niya ang mukha niya sa may bandang dingding,-malugod si Allah sa kanya-habang siya ay naghihingalo ,at iiwanan na niya ang mundo,Nagsabi sa kanya ang anak niya: Ano ang iniiyak mo,samantalang ibinatid sa iyo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang magandang balita sa paraiso? Nagsabi siya: O anak ko! Ako ay nasa tatlong kalagayan,pagkatapos ay binanggit niya ang tatlong kalagayan na ito: Na kinamumuhian niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng matinding pagkamuhi,At wala ni isa sa ibabaw ng lupa na kinamumuhian niya tulad ng pagkamuhi sa kanya,at nilayon niya na kapag nakuha niya ito ay papatayin niya;At ito ay masahol pa sa kawalan ng pananampalataya,Hanggang sa ipinagkaloob ni Allah ang Islam sa puso niya,at dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay nagsabi: O Sugo ni Allah! Buksan mo ang palad ng kamay mo upang mangako ako sa iyo sa Islam,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang siyang nagmamay-ari ng pinakamataas na antas ng pag-uugali sa sangkatauhan;Ibinigay nito ang kamay niya,subalit si `Amr bin Al-`As,ay nagpigil sa sariling kamay niya,Hindi dahil pagmamataas subalit pagpapatibay sa alinsunod na babanggitin niya: Nagsabi siya sa kanya:" Ano ang nangyari sa iyo" Nagsabi siya: O Sugo ni Allah! Ako ay may kondisyon-ibig sabihin sa pagyak niya sa Islam-Nagsabi siya:" Ano ang kondisyon mo"Nagsabi siya: Ikokondisyon ko na pataatawarin ni Allah sa akin ang nauna [kong gawaing] kawalan ng pananampalataya at mga kasalanan,Ito ang pinakamalaking ikinalulungkot niya-malugod si Allah sa kanya-Nagkondisyon siya na si Allah ay magpapatawad sa kanya,inisip niya na si Allah ay hindi magpapatawad sa kanya dahil sa mga naunang gawain niya,Sinabi sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:" hindi mo pa napag-alam na ang Islam ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang paglikas ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang hajj ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain], Tatlong bagay:" Ang patungkol sa Islam:Tunay na binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],Batay sa nasaad sa maluwalhating Aklat:Nagsabi si Allah-pagtaas-taas Niya: { Ipagbadya sa yaong walang pananampalataya,kung sila ay magsitigil na,patatawarin sa kanila ang anumang mga nauna nilang gawain,at kapag bumalik sila,tunay na lumipas na ang Sunnah ng mga unang henerasyon] { Al-Anfal:38} At ang paglikas:Ito ay kapag lumikas ang isang tao sa lugar niya na siyang painamumuhayan niya na lugar ng mga walang pananampalataya,buburahin sa kanya ang anumang mga nauna niyang [masamang gawain], At ang hajj ay binubura ang anumang mga nauna rito na masamang gawain] dahil sa sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: " Ang hajj na katanggap-tanggap,wala itong ibang gantimpala maliban ang paraiso" Kaya nakipagkasundo siya-malugid si Allah sa kanya-at minahal niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng sobrang pagmamahal,hanggang sa siya ay naging isa sa mga taong pinakamamahal para sa kanya,at ni hindi niya siya kayang titigan dahil sa laki ng respeto niya sa kanya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga- Napakamaluwalhati ng bumabaliktad sa ma puso.! Halos kahapon lamang ay sobra niya itong kinamumuhian,hanggang sa pinangarap niya na kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay papatayin niya ito,At ngayon ay ni hindi niya kayang itaas ang mukha niya sa kanya,dahil sa laki ng respeto niya sa kanya,ni hindi niya kayang itong ilarawan dahil hindi siya palaging nakapaligid sa kanya,dahil ni hindi man lamang niya ito inabutan ng masinsinan,bilang pagdadakila sa kanya-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sinabi niya-malugod si Allah sa kanya-Na kapag namatay siya sa unang kalagayan; Siya ay mapapabilang sa mga mananahanan sa Impiyerno,Sinabi niyang: At kung namatay ako sa yaong kalagayan,ibig sabihin ay ang ikalawang kalagayan,Ipagsusumamo ko na mapabilang ako sa mga mananahanan sa paraiso,Tingnan mo ang pag-iingat,Tunay na napagtiyak niya na kapag namatay siya sa unang kalagayan,siya ay mapapabilang sa mga mananahanan sa Impiyerno, samantalang ang ikalawang kalagayan,dahil sa tindi ng takot niya siya ay nagsabi: Kapag namatay ako sa kalagayang ito,Ipagsusumamo ko na ako ay mapabilang sa mga mananahanan sa paraiso,at hindi niya sinabing siya ay mabibilang sa mga mananahanan sa paraiso,Dahil ang pagsasaksi sa paraiso ay isang mahirap na gawain.Pagkatapos nito ay inako niya ang mga [mahahalagang] bagay-malugod si Allah sa kanya- inako niya ang pamamahala at pamumuno,at nangyari na ang nangyari sa kwento ng pakikipaglaban ni Muawiyah at iba pang [kasamahan] niya,at si `Amr bin Al-`As-ay kilala na isa sa pinakamagaling sa mga arabo at pinakamatalino sa mga arabo, Siya ay nagsasabing:Pinangangambahan ko ang nangyaring ito sa akin,pagkatapos ng nasa gitna ng kalagayan,na mapalibutan ito ng aking gawain.Pagkatapos ay ipinagtagubilin niya-maalugod si Allah sa kanya-na kapag siya ay namatay ay hindi sasama kanya ang [babaing] humihiyaw, At ang humihiyaw ay yaong babaing humihiyaw sa patay at umiiyak sa kanya ng pag-iyak na tulad ng paghiyaw ng ibon, At ipinag-utos niya-malugod si Allah sa kanya- na kapag inilibing nila ito ay manatili sila sa puntod niya sa abot na kakatayin ang isa sa mga kamelyo at maipamahagi ang mga karne nito,hanggang sa masagot niya ang mga [katanungan ng] sugo ng panginoon Niya at sila ang mga Anghel na dumarating sa patay kapag nailibing na. At kapag nailibing na ang patay ,tunay na dumarating sa kanya ang dalawang Anghel at tatabi sila sa puntod nito at magtatanong silang dalawa ng tatlong katanungan: Sasabihin nilang dalawa: Sino ang panginoon mo? Ano ang relihiyon mo? At sino ang Propeta mo?Kaya ipinag-utos ni `Amr bin Al-`As, malugod si Allah sa kanya-sa pamilya niya na manatili sila sa kanya na kasing-tagal ng pagkatay ng nagkakatay at paghahati nito sa mga karne upang mapanatag sila,at ito ay isang patunay na ang isang patay ay nararamdaman niya ang pamliya niya,At tunay na napagtibay buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang patay ay naririniy nito ang mga yapak ng paa nila kapag sila ay nagsipag-alisan na sa paglibing sa kanya,[Hangang] sa yapak ng mga lanaggam na nakalingid ay naririnig ng patay kapag nag-alisan sila sa paglibing sa kanya. At tunay na napagtibay buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Hadith ni Hasan,na kapag inilibing ang isang patay,ay tumatayo siya sa kanya at nagsasabing: " Humingi kayo ng kapatawaran para sa kapatid ninyo at humiling kayo para sa kanya ng pagpapatibay,sapagkat siya ngayon ay tinatanong" Kayat mainam,na kapag inilibing ang patay na tumayo ang tao sa puntod niya at sabihin niyang: " O Allah! patatagin ninyo siya! O Allah! patatagin ninyo siya! O Allah! patatagin ninyo siya! O Allah! magpatawad kayo sa kanya! O Allah! magpatawad kayo sa kanya! O Allah! magpatawad kayo sa kanya! Dahil ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay bumabati,bumabati siya ng tatlong beses,at kapag siya ay nananalangin,[siya ay nananalangin] ng tatlong beses. Samakatuwid tunay na si `Amr bin Al-`As,ay nagsabi sa kanya: "Ibinatid sa iyo ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng magandang balita,sa paraiso, At ito ay kabilang sa kabanata ng paghahatid ng magandang balita at paagbati sa kanya