عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه مرفوعًا: «ليس مِنْ نَفْسٍ تُقْتَلُ ظُلماً إِلاَّ كَان على ابنِ آدَمَ الأَوَّل كِفْلٌ مِن دمِهَا؛ لِأَنَّه كان أوَّل مَن سَنَّ القَتْلَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya-(( Walang buhay na nakikitil nang walang katarungan maliban sa ang unang anak ni Adan ay magtatamasa ng bahagi sa pagpatay sa kanya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayag sa Hadith na ito ang dahilan ng pananagot [sa kasalanan] ng isa sa mga anak ni Adan,ay ang pagdanak ng dugo na nasayang pagkatapos ng ginawa niya,Sapagkat si Qabil ay pinatay niya ang kapatid nitong si Habil,dahil sa pagka-inggit sa kanya,Silang dalawa ang unang nakapatay at napatay mula sa mga anak ni Adan,Kaya mananagot si Qabil sa pagtamasa ng bahagi ng kasalanan sa mga dugong dumanak pagkatapos ng ginawa niya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay;At dahil ang lahat ng gumagawa nito pagkatapos niya,ay sumusunod sa kanya,kahit na ito ay [sa pamamagitan ng] paggamit ng isa o maraming instrumento.