عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«أَسْرِعُوا بِالْجِنَازَةِ، فَإِنْ تَكُ صَالِحَةً فَخَيْرٌ تُقَدِّمُونَهَا، وَإِنْ يَكُ سِوَى ذَلِكَ، فَشَرٌّ تَضَعُونَهُ عَنْ رِقَابِكُمْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1315]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Magmabilis kayo sa libing; sapagkat kung ito ay naging maayos, may isang kabutihang ipinauuna ninyo; at kung ito ay naging iba roon, may isang kasamaang inaalis ninyo palayo sa mga leeg ninyo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1315]
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagmamabilis sa paghahanda ng libing, pagsasagawa ng ṣalāh para rito, at paglilibing ng patay sapagkat kung ang libing ay naging maayos, may isang kabutihang ipinauuna ninyo roon na kaginhawahan sa libingan; at kung ito ay naging iba roon, may isang kasamaang inaalis ninyo palayo sa mga leeg ninyo.