عن أبي سعيد رضي الله عنه قال: ولم أشهده من النبي صلى الله عليه وسلم ، ولكن حدَّثنيه زيد بن ثابت، قال: بينما النبي صلى الله عليه وسلم في حائط لبني النَّجَّار، على بَغْلة له ونحن معه، إذ حادَت به فكادت تُلْقيه، وإذا أقبُر ستة أو خمسة أو أربعة -قال: كذا كان يقول الجريري- فقال: «مَن يعرف أصحاب هذه الأقبُر؟» فقال رجل: أنا، قال: فمتى مات هؤلاء؟ قال: ماتوا في الإشراك، فقال: «إن هذه الأمة تُبْتَلى في قبورها، فلولا أن لا تَدَافنوا لدعوتُ اللهَ أنْ يُسْمِعَكم من عذاب القبر الذي أسمع منه» ثم أقبل علينا بوجهه، فقال: «تعوَّذوا بالله من عذاب النار» قالوا: نعوذ بالله من عذاب النار، فقال: «تعوَّذوا بالله من عذاب القبر» قالوا: نعوذ بالله من عذاب القبر، قال: «تعوَّذوا بالله من الفتن، ما ظهر منها وما بَطَن» قالوا: نعوذ بالله من الفتن ما ظهر منها وما بَطَن، قال: «تعوَّذوا بالله من فتنة الدَّجَّال» قالوا: نعوذ بالله من فتنة الدَّجَّال.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Sa`id -malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: At hindi ko ito sinasaksihan na ito ay mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ngunit ibinalita ito sa akin ni Zaid bin Thabit,Nagsabi siya:Habang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sa harden ng Angkan ng Najar,sa ibabaw ng kabayo niya at kami ang kasama niya,kung saan ay lumihis ito sa kanya,at muntik niya itong ihagis,at doon ay nakalibing ang anim o lima o apat-nagsabi siya: Ganito ang sinabi ni Al-Jaririy-Ang sabi niya: (( Sino ang nakakaalam sa may-ari ng mga libingang ito?)) Ang sabi ng lalaki: Ako;Nagsabi siya: Kailan sila namatay? Nagsabi siya: Namatay sila sa panahon ng pagtatambal [sa pagsamba sa Allah], Ang sabi niya:(( Katotohanang ang Ummah na ito ay sinusubok sa libingan niya,Kung hindi lamang sa hindi kayo magsasagawa ng paglilibing,tunay na hiniling ko na sa Allah na iparinig Niya sa inyo ang parusa sa libingan na siyang naririnig ko)) Pagkatapos ay iniharap niya sa amin ang mukha niya;At nagsabi siya:((Magpakupkop kayo kay Allah mula sa kaparusahan sa Impiyerno)) Nagsabi sila: Nagpapakupkop kami sa Allah mula sa kaparusahan sa Impiyerno;Nagsabi siya: ((Magpakupkop kayo kay Allah mula sa kaparusahan sa libingan)) Nagsabi sila:Nagpapakupkop kami sa Allah mula sa kaparusahan salibingan; Nagsabi siya:((Magpakupkop kayo kay Allah laban sa mga tukso,sa mga hayag nito at sa mga lingid nito)) Nagsabi sila:Nagpapakupkop kami kay Allah laban sa mga tukso ,sa mga hayag nito at sa mga lingid nito,Nagsabi siya: ((Magpakupkop kayo kay Allah laban sa tukso ng bulaang kristo))Nagsabi sila: Nagpapakupkop kami kay Allah laban sa tukso ng bulaang kristo))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ikinukwento ni Zayd bin Thabit,na habang kasama nila ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isang harden sa tribo ng Al-Ansar na tinatawag ng Angkan ng Najar,At ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sumasakay sa kabayo niya,at biglaang lumihis ang kabayo niya sa daan at tumakbo papalayo sa kanya,at muntik na siyang ihulog at ihagis nito sa likod niya,at sa lugar na ito ay may apat na libingan o lima o anim.Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sino ang nakakaalam sa may-ari ng mga libingang ito,?Ang sabi ng lalaki: Kilala ko sila.Ang sabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Kung kilala mo sila,kailan sila namatay?Nagsabi siya: Namatay sila sa panahon ng pagtatambal [sa pagsamba sa Allah]. Ang sabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Katotohanang ang Ummah na ito ay binibigyan ng pagsubok sa labingan niya,pagkatapos ay binibiyayaan o pinaparusahan,Kung hindi lamang sa takot na baka hindi ninyo ilibing ang mga patay ninyo,Hiniling ko na sa Allah na iparinig sa inyo ang parusa sa libingan na siyang naririnig ko,Sapagkat kapag narinig ninyo iyon,iiwanan ninyo ang paglibing dahil sa takot na lumabas ang mga puso ninyo dahil sa sigaw ng mga patay,o takot sa kahihiyan sa mga kamag-anak upang hindi makita ang kalagayan nila.Pagkatapos ay iniharap niya sa mga kasamahan niya ang mukha niya,at ang sabi niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Hilingin ninyo sa Allah-pagkataas-taas Niya-na protektahan Niya kayo mula sa kaparusahan sa Impiyerno,Nagsabi sila:Nagpakupkop kami sa Allah mula sa kaparusahan sa Impiyerno,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:Hilingin ninyo sa Allah-pagkataas-taas Niya-na protektahan Niya kayo mula sa kaparusahan sa libingan.Nagsabi sila:Nagpakupkop kami at humihingi sa Kanya [ng kaligtasan] kapag dumating sa atin ang kaparuhan sa libingan. Pagkatapos ay nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hilingin ninyo sa Allah-pagkataas-taas Niya-na protektahan Niya kayo mula sa mga tukso,sa mga hayag,nakikita,at malinaw nito at sa mga lingid nito,Nagsabi sila:Nagpapakupkop kami sa Allah mula sa mga tukso,sa mga hayag nito at sa mga lingid nito, Nagsabi siya: Hilingin ninyo sa Allah na protektahan Niya kayo laban sa tukso ng bulaang kristo;sapagkat siya ang pinakamalaking tukso,kung saan ay humahantong sa kawalan ng pananampalataya na nagiging dahilan sa walang-hanggang kaparusahan sa Impiyerno.Nagsabi sila: Nagpapakupkop kami sa Allah laban sa tukso ng bulaang kristo.