عن أسماء بنت أبي بكر رضي الله عنها قالت: قام رسول الله صلى الله عليه وسلم فَذَكَرَ الفتنةَ التي يُفتن بها المرء في قبره، فلما ذكر ذلك ضَجَّ المسلمون ضَجَّةً حالت بيني وبين أن أفهم كلامَ رسول الله صلى الله عليه وسلم ، فلما سَكَنَت ضَجَّتُهم قلتُ لرجل قريب مني: أيْ -بارك الله لك- ماذا قال رسول الله صلى الله عليه وسلم في آخر قوله؟ قال: «قد أُوحِيَ إليَّ أنكم تُفتَنون في القبور قريبًا من فتنة الدَّجَّال».
[صحيح] - [رواه البخاري مختصرا والنسائي]
المزيــد ...
Ayon kay Asma` bint Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Tumayo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nabanggit niya ang Pagsubok na magiging pagsubok ng isang tao sa libingan niya,At nang banggitin niya ito,Napasigaw ang mga Muslim ng [malakas] na pagsigaw,na naging hadlang sa pagitan ko at pagitan ng pag-intindi ko sa sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang matahimik sila sa pagsigaw nila,Nagsabi ako isang lalaking malapit sa akin:Naway si Allah ay magpapala sa iyo,Ano ang sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa huling sinabi niya?Nagsabi siya: ((Tunay na naipahayag sa akin, na kayo ay [mabibigyan ng] Pagsubok sa Libingan,na malapit sa Pagsubok ni Dajjal))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy]
Ipinapahayag ni Asma` bint Abe Bakar Assiddiq,Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay tumayo sa isang araw na nagsesermon sa mga tao,At nangangaral sa kanila at nagpapaalala sa knila sa Kabilang buhay,Hanggang sa tumalakay siya sa Libingan at sa kalagayan nito,At nabanggit niya Pagsubon sa libingan,At ang tinutukoy sa Pagsubok sa libingan ay : Ang pagtatanong ng dalawang Anghel na si Munkar at Nakir para sa alipin niya sa Panginoon niya,Propeta niya,at Relihiyon niya,At ipinangalan ito rito,dahil ito ay malaking Pagsubok,susubukin rito ang pananampalataya ng alipin at Tiyak na paniniwala niya,Sinuman ang Patnubayan sa pagsubok na ito ay magtatagumpay,at sinuman ang bumagsak ay masasawi,At nang banggitin niya ito,Nagsigawan ang mga Muslim,ng napalakas na pagsigaw,dahil sa matinding pagkatakot mula sa Pagsubok sa libingan,Nahadlangan ng pagsigaw na ito si Asma na marinig niya ang sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At nang maging tahimik ang boses,Nagsabi si Asma sa isang lalaki na malapit sa kanya;Naway si Allah ay magpapala sa iyo,Ano ang sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa huling sinabi niya?Sinabi niya sa kanya,Na siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: ((Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya,ay nagpahayag sa kanya na ang mga Tao ay [mabibigyan ng] Pagsubok at Pagsusulit sa Libingan,na malapit sa Pagsubok ng Mesaya na Dajjal,Sapagkat ang pagsubok ni Dajjal ay napakatindi at napakahirap,at gayundin ang Pagsubok sa Libingan.