عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما "أَنَّ رسُول الله -صلَّى الله عليه وسلَّم- كَانَ يَخرُجُ مِنْ طَرِيقِ الشَّجَرَةِ، وَيَدْخُلُ مِنْ طَرِيقِ الْمُعَرَّس، وَإِذَا دَخَلَ مَكَّةَ دَخَلَ مِنَ الثَنِيَّةِ العُلْيَا، وَيَخْرُجُ مِنَ الثَنِيَّةِ السُّفْلَى".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa."Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay lumalabas mula sa daan na may mga punong-kahoy,at pumapasok mula sa daan na [Al-Muarras],At kapag pumasok sa Meccah,pumapasok siya sa daan na mataas,at lumalabas sa daan na mababa"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Hadith ni `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay tumatalakay sa pagnanais sa pagsalungat sa daan sa Eid at Jumuah at iba pa rito sa mga pagsamba.at ang kahulugan ng pagsalungat sa daan:Ang pagpunta ng isang Muslim sa pagsamba sa isang daan at bumalik sa ibang daan;Halimbawa:pupunta sa bandang kanan at babalik sa bandang kaliwa;at ito ay naipanatili mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dalawang Eid,tulad ng naisalaysay ni Jaber-malugod si Allah sa kanya-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag sa Araw ng `Eid ay sinasalungat ang daan;ibig sabihin ay;lumalabas sa isang daan at bumabalik sa ibang daan,at gayundin sa Hadith na nasa atin,at nagkakaiba ang mga salita ng may kaalaman sa layunin ng pagsalungat sa daan sa ibat-ibang pananalita,at ang pinaka-kilala dito ay:1-Upang magsaksi sa kanya ang dalawang daan sa raw ng Pagkabuhay;Dahil ang Lupa sa Araw ng Pagkabuhay ay magsasaksi sa anumang ginawa rito mula sa kabutihan at kasamaan,at kapag pumunta siya sa isang daan at bumalik sa iba,magsasaksi sa kanya ang dalawa sa Araw ng Pagkabuhay na siya ay gumanap ng Pagdarasal na Eid.2-Para sa pagpapakita ng Palatandaan;Palatandaan ng Eid,hanggang sa magsiksikan ang mga Merkado mula dito hanggang doon,at kapag lumaganap ito sa mga daan sa Madinah,ito ay lalabas na bilang pagpapakita sa palatandaan na ito,dahil ang Pagdarasal sa Eid ay kabilang sa mga Patandaan sa Relihiyon,at ang katibayan nito ay ;Ang mga tao ay ipinag-uutos sakanila na lumabas bilang pagpapakita rito at pag-aanunsiyo rito.3-Kaya sinasalungat ang daan ay para sa mga mahihirap,na naroroon sa mga merkado,maaaring ang mayroon sa daang ito ay hindi matatagpuan sa ibang daan na ito,at magkakawang-gawa sa kanila at sa kanila.Ngunit ang pinakamalapit,Si Allah ang higit na nakaka-alam,ay Para sa pagpapakita sa Palatandaang ito,,hanggang sa makita ang Palatandaan sa pagdarasal ng Eid dahil sa paglabas dito sa lahat ng mga daan sa lugar.At ang pagsasagawa ng Hajj tulad ng dumating sa isang Hadith na nasa atin,Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay sinasasalungat niya ang daan pagpasok niya sa Meccah,pumasok siya sa mataas [na lugar] nito at lumabas siya sa mababang [lugar] nito.at gayundin sa pagpunta niya sa Arafah,pumunta siya sa isang daan at bumalik sa ibang daan,At nagkakaiba din ang mga may kaalaman sa talakayang ito,Kung ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ginawa niya ito bilang paraan sa pagsamba, o dahil ito ang pinakamadaling [paraan] sa pagpasok niya at paglabas niya? Sapagkat ito ang pinakamadali sa pagpasok niya,ang pumasok sa itaas at sa paglabas niya ay ang lumabas siya sa ibaba.Sinuman ang nagsabi mula sa mga may kaalaman,na nagsasabi sa Una:Nagsabi siya na ito ay Sunnah,na pumasok sa itaas nito: ibig sabihin ay sa itaas ng Meccah at lalabas sa ibaba niya,at Sunnah ang pagpunta sa Arafah sa isang daan at bumalik sa ibang daan. At kabilang sa kanila ang nagsabi:Ang mga ito ay batay sa pagpapagaan sa daan,dumaan ka sa magaan maging ito man ay itaas o sa ibaba,At sa lahat ng kalagayan;kapag naging madali para sa nagsasagawa ng Hajj at Umrah na pumasok sa itaas at lumabas sa ibaba nito,ito ay higit na mainam.At kung ito ay isang pagsamba ,tunay na nagampanan niya,at kung hind ito pagsamba,hindi siya mapipinsala rito.At kapag hindi ito naging madali sa kanya,huwag niya itong piliting gawin tulad ng nangyayari ngayon sa kasalukuyan,Sapagkat ang mga daan ay isa lang ang pinatutunguhan,at hindi maaari sa tao na sumalungat sa taga-pangalaga.Ang lahat ng Papuri ay kay Allah,At ang bagay [na ito ay] napakalawak.