عن أبي بكر الصديق رضي الله عنه قال: ارْقَبُوا محمَّدًا -صلَّى اللهُ عليهِ وسلَّم- فِي أَهلِ بَيتِهِ.
[صحيح موقوفًا على أبي بكر الصديق -رضي الله عنه] - [رواه البخاري من قول أبي بكر -رضي الله عنه]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-Siya ay nagsabi:Igalang ninyo si [Propeta] Muhammaad pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa [sa pamamagitan ng paggalang] sa mga nanannahanan sa bahay niya
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Sa salaysay ni Abu Bakar malugod si Allah sa kanya-ay pagpapatunay sa kaalaman ng mga kasamahan ng Propeta malugod si Allah sa kanila-sa karapatan ng mga Nananahanan sa bahay ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pagdangal sa kanila at paggalang sa kanila,Sinuman ang kabilang sa nananahanan sa bahay [ng Propeta],matuwid sa Relihiyon at sumusunod sa Sunnah ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-para sa kanya ay may dalawang karapatan: Karapatan sa Islam at Karapatan sa [pagiging] Kamag-anak ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-At napapaloob dito na si Abu Bakar at ang mga kasamhan ng Propeta,ay iniibig nila ang mga nananahanan sa bahay at pinaparangalan sila sa mga kabutihan.