+ -

عن أبي شُريح خُويلد بن عمرو الخزاعي عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه قال: «مَنْ كَان يُؤمِن بِاللهِ وَاليَومِ الآخِرِ فَلْيُكْرِم ضَيفَه جَائِزَتَه»، قَالوا: وما جَائِزَتُهُ؟ يَا رسول الله، قال: «يَومُهُ ولَيلَتُهُ، والضِّيَافَةُ ثَلاَثَةُ أَيَّامٍ، فَمَا كَانَ وَرَاءَ ذَلك فَهُوَ صَدَقَةٌ عَلَيه». وفي رواية: «لا يَحِلُّ لِمُسْلِمٍ أَنْ يُقِيمَ عِنْدَ أَخِيهِ حَتَّى يؤْثِمَهُ» قالوا: يَا رَسول الله، وَكَيفَ يُؤْثِمَهُ؟ قال: «يُقِيمُ عِندَهُ ولاَ شَيءَ لَهُ يُقرِيهِ بهِ».
[صحيح] - [الرواية الأولى متفق عليها، والرواية الثانية رواها مسلم]
المزيــد ...

Mula kay Abi Shuraih Khuwailid Bin Amr Alkhuza'i mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: ((Sinuman ang mananampalataya sa Allah at sa kabilang buhay ay bigyan niyang dangal ang kanyang bisita ang kanyang regalo ang sabi nila)): at ano ang kanyang regalo? Oh Sugo ni Allah, sabi Niya: ((ang araw niya at ang gabi niya, at ang pagbisita ay tatlong araw, kaya kung anuman ang sumobra doon iyon ay kawang gawa sa kanya)).
[Tumpak] - [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]

Ang pagpapaliwanag

Ang hadith ni Abu Shuraih Alkhuza'i -kalugdan nawa siya ng Allah- ay nagsasaad ng pagbibigay dangal sa bisita at kanyang nayon, katotohanan naiulat mula sa kanya na ang Propeta -Sumakanya nawa ang kapayapaan- ay nagsabi: "Sinuman ang nananampalataya sa Allah at sa kabilang buhay ay bigyan niyang dangal ang kanyang bisita", at ito ay kabilang sa pag-uudyok patungkol sa pagbigal dangal sa bisita, ibig sabihin na ang pagbibigay dangal sa bisita ay mula sa tanda ng pananampalataya sa dakilang Allah at sa kabilang buhay, at tanda ng pagiging ganap na pananampalataya sa Allah at kabilang buhay. At ang mga bagay na maaaring maganap ang pagbibigay dangal sa kapwa: marangal na mukha, at mabuting salita, at pagpapakain sa loob ng tatlong araw, sa unang araw kung ano ang kanyang abot kaya at madali, at sa nalalabing araw ay kung ano meron na lang sa kanya na walang pagpapahirap, at para hindi pabigat sa kanyang sarili, at pagkaraan ng tatlong araw ay magiging kawang gawa na sa kanya kung kanyang nanaisin ay gawin niya at kung hindi ay huwag. Samantala ang kanyang sinabi: "bigyang dangal ang kanyang bisita ng regalo isang araw at isang gabi at ang pagbibisita ay tatlong araw" sabi ng mga Ulama' sa kahulugan ng regalo: pagpapahalaga sa bisita sa loob ng isang araw isang gabi, at pagmamalasakit sa kanya mula sa mga magaganda't mabubuting pakikitungo, samantala sa pangalawa't pangatlong araw ay pakakainin niya kung anong mayroon sa kanya at hindi niya pasobrahan sa kanyang kinagawian, subalit pagkalipas ng tatlong araw iyon ay kawang gawa at kabutihan kung nanaisin niya ay gawin niya at kung hindi ay iwanan niya. At sa salaysay ni Muslim "Hindi pwede sa kanya ang mamamalagi sa kanya hangga't siya ay makakamit ng kasalanan" Ibig niyang sabihin: hindi pinahintulutan sa isang bisita mamamalagi sa kanya lagpas ng tatlong araw hangga't sa siya ay madadala sa kasalanan; sa pagkat maaaring sisiraan siya ng puri sa haba ng kanyang pamamalagi, o babatuhin siya ng kung anu-anong bagay na maaring makakasakit s kanya, o paghinalaan siya ng di kaaya-aya, at ang lahat ng ito ay dala ng pamamalagi niya ng mahigit tatlong araw na walang paanyaya mula sa nag-imbita. At ang mga bagay na dapat alamin na ang pagbibigay dangal sa bisita ay magkakaiba ayon sa sitwasyon ng bisita, mayroon sa mga tao kabilang sa mga bantog at respetadong tao, kaya bigyan siya ng dangal na nababagay sa kanya, at mayroong mga tao na nasa kalagitnaang antas kaya bigyan siyang dangal na nababagay sa kanya, at mayroon sa kanila ay mababang antas.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan