عن عَائِشَةَ رضيَ الله عنها قالت: إِنِّي سمعْتُ رسولَ الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«لَا صَلَاةَ بِحَضْرَةِ الطَّعَامِ، وَلَا هُوَ يُدَافِعُهُ الْأَخْبَثَانِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 560]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Walang pagdarasal sa pagkahain ng pagkain at wala habang siya ay nagpipigil ng dalawang karumihan."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 560]
Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pagkahain ng pagkain na pinananabikan ng sarili ng nagdarasal at kinahuhumalingan ng puso nito.
Gayundin, sumaway siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh kasabay ng pagpipigil sa dalawang karumihan – ang ihi at ang dumi – dahil sa pagkaabala niya sa pagpipigil ng perhuwisyo.