عن أنس بن مالك رضي الله عنه أنَّ أَعْرَابِيًا قال لرسول الله صلى الله عليه وسلم: مَتَى السَّاعَة؟ قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «مَا أَعْدَدْتَ لَهَا؟» قال: حُبُّ الله ورَسُولِه، قال: «أَنْتَ مَعَ مَنْ أَحْبَبْتَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Malik-malugod si Allah sa kanya-Tunay na ang isang Arab [naninirahan sa disyerto] ay nagsabi sa Sugo ni Allah;Kailan magaganap ang Huling oras?Nagsabi ang Sugo ni Allah:(( Ano ang inihanda mo sa kanya?)) Nagsabi siya:Ang pag-ibig sa Allah at sa kanyang Sugo,Nagsabi siya: ((Ikaw ay makakasama sa sinumang iniibig mo))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagtanong ang isang Arab [naninirahan sa disyerto] (Kailan magaganap ang Huling oras?) Kapag sinabi sa kanya ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Hindi ko ito alam,Hindi magiging panatag ang kalooban ng Arab [naninirahan sa disyerto],Ngunit dahil sa Karunungan ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-inibig niyang sagutin ang pinagmulan ng katanungin sa kung ano ang nararapat niyang gawin,na wala ito sa kanya,at ito ang tinatawag na estilo ng may karunungan,Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:(( Ano ang inihanda mo rito?)) At ito ay tanong na may pagbibigay babala,at pagpapaalala sa ano ang nararapat niyang gawin,at pag-iisip rito,at pag-aabala sa mga ito,Nagsabi ang Arab [naninirahan sa disyerto]: "Ang pag-ibig sa Allah at sa kanyang Sugo" Dumating ng sagot ng Arab [naninirahan sa disyerto],sa pagpapatawad na umaapaw rito ang pag-ibig at habag at pananampalataya,at ang pagtanggal sa pagtitiwala sa mga gawain nito,at ang ikalawang salaysay ay nagpapatibay sa kahulugang ito sa pagsabi ng Arab [naninirahan sa disyerto]:" Hindi ko ito napaghandaan ng maraming pag-aayuno,pagdarasal,at pagkakawang-gawa,Ngunit iniibig ko ang Allah at ang Kanyang Sugo";Dahil dito dumating ang sagot ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: (( Ikaw ay makakasama sa sinumang iniibig mo))At sa Hadith na ito ay;pag-aanyaya sa malakas na pag-ibig sa mga Sugo,at pagsunod sa kanila ayon sa antas nila,at ang pagbibigay babala sa pag-ibig ng sinumang sumusuway sa kanila,Sapagkat ang Pag-ibig ay patunay sa malakas na pakikipag-ugnayan na umiibig sa sinumang iniibig niya,at pagsunod niya sa kaugalian niya at pagiging huwaran niya sa kanya.