عَن أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَا بَالُ أَقْوَامٍ يَرْفَعُونَ أَبْصَارَهُمْ إِلَى السَّمَاءِ فِي صَلاَتِهِمْ»، فَاشْتَدَّ قَوْلُهُ فِي ذَلِكَ، حَتَّى قَالَ: «لَيَنْتَهُنَّ عَنْ ذَلِكَ أَوْ لَتُخْطَفَنَّ أَبْصَارُهُمْ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 750]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ano ang isip ng mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal nila?" Tumindi ang sabi niya kaugnay roon hanggang sa nagsabi siya: "Talaga ngang titigil sila roon o talaga ngang hahablutin ang mga paningin nila."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 750]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga taong nag-aangat ng mga paningin nila sa langit sa pagdarasal sa sandali ng pagdalangin o iba pa rito? Pagkatapos tumindi ang pagsawata niya at pagbabanta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumagawa niyon na siya ay natatakot para sa mga paningin nila na hablutin ang mga ito mula sa kanila at kunin ang mga ito nang may kabilisan sa punto na hindi sila makararamdam kundi nang nawalan na sila ng biyaya ng paningin.