+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم رأى نُخْامَة في القِبْلَة، فَشَقَّ ذلك عليه حتى رُئِي في وجْهِه، فقام فَحَكَّه بِيَده، فقال: «إن أحدكم إذا قام في صلاته فإنه يُنَاجِي رَبَّه، أو إن رَبَّه بينه وبين القِبْلَة، فلا يَبْزُقَنَّ أحدُكم قِبَل قِبْلتِه، ولكن عن يَسَاره أو تحت قَدَمَيه» ثم أخذ طَرف رِدَائِه، فَبَصَقَ فيه ثم ردَّ بَعْضَهُ على بعض، فقال: «أو يفعل هكذا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakakita ng sipon sa [may bandang] Qiblah,Kamunghi-munghi ito para sa kanya,hanggang sa makikita mo ito sa mukha niya,Tumayo siya at kinamot ito gamit ang kamay niya, Nagsabi siya: ((Tunay na ang isa sa inyo,kapag tumindig sa pagdarasal niya,tunay na nananalangin siya sa Panginoon niya,At tunay na ang Panginoon niya ay nasa pagitan niya at pagitan ng Qiblah,Kaya huwag magdura ang isa sa inyo sa harap ng Qiblah niya,ngunit sa kanyang bandang kaliwa o sa ilalim ng dalawang paa niya))Pagkatapos ay kinuha niya ang dulo ng damit niya,at nagdura rito,Pagkatapos ay kinamot niya ang bawat isa rito,Nagsabi siya: ( O di kaya ay gawin niya ang ganito))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nakakita ng sipon sa dingding ng Masjid sa may unahan ng Qiblah,Kaya kamunghi-munghi ito para sa kanya ang gawaing ito hanggang sa makikita ang palatandaan ng pagkamunghi sa mukha niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kaya ginawa niya ito sa sarili niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at tinanggal niya ang palatandaan ng sipon sa pamamagitan ng marangal niyang kamay,bilang aral sa Ummah niya,at pagpapakumbaba sa Panginoon niya-Kapita-pitagan ang Kapita-pitagan sa Kanya,at blang pagmamahal sa bahay niya,Pagkatapos ay binanggit niya na ang isang alipin ,kapag nagsagawa ito ng dasal,Tunay na siya ay nakikipag-usap sa Panginoon Niya sa Pag-aaalaala at pananalangin niya,At pagbabasa sa mga talata niya,Ang naaangkop sa kanya sa kalagayang ito ay ang pagkatakot sa pagdarasal niya at alalahanin niya ang kadakilaan ng sinumang kinakausap Niya at tanggapin niya ito sa puso niya,At iwasan niya ang mga masamang pag-uugali kay Allah-Pagkataas-taas Niya-Kaya huwag siya magdura sa bandang Qiblah niya,Pagkatapos ay nagpatnubay siya-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung ano ang nararapat gawin ng nagdadasal sa mga ganitong kalagayan,ito ay ang pagdura niya sa bandang kaliwa niya,o sa ilalim ng paa niyang kaliwa,o ang magdura siya sa damit niya o ang iba pa tulad nito,at kamutin niya ang bawat isa rito upang matanggal ito,At nararapat sa nagdadasal na pakiramdaman niya ang pakikipanayam niya kay Allah-Pagkataas-taas Niya,at pakikipagharap Niya sa kanya,At kapag Siya Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas Niya ay sa Langit sa taas ng Kanyang Trono,Tunay na Siya ay nasa harap ng Iyong pinagdadasalan,Sapagkat siya ay Nakapalibot [ sa pamamagitan ng kanyang kaalaman] sa lahat ng bagay at {Walang anupamang bagay na makakatulad sa Kanya,Siya ang ganap na Nakakarinig,Ang Lubos na Nakamamasid} (As-Shura:11) At Hindi ibig sabihin nito na Siya ay nakikihalubilo sa mga tao at Siya ay nasa lugar na pinagdadasalan,Pagkataas-taas ni Allah sa mga ito, Si Allah ay napakalapit sa taong nagdadasal,Napakalapit sa taong humihiling,Napakalapit na nararaapat sa kanyang Pagkadakila,Hindi tulad ng paglapit ng likha sa ibang likham Ngunit ito ay ang Paglapit ng Tagapaglikha-Kapita-pitagan Siya at Pagkataas-taas,mula sa mga likha.At ang Katulad nito sa paglikha Niya,At kay Allah ang Dakilang katangian,Ang araw ay nasa taas mo,at gayundin ito ay nasa harapan mo sa kalagayan ng pagsikat at paglubog.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan