عن مالك بن الحويرث رضي الله عنه «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان إذا كَبَّر رفع يديه حتى يُحَاذِيَ بهما أُذُنَيْه، وإذا ركَع رفع يَديه حتى يُحَاذِيَ بهما أُذُنَيْه، وإذا رفع رأسه من الركوع» فقال: «سَمع الله لِمَن حَمِده» فعل مِثل ذلك.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Mula kay Malik Bin Al-huwarith -Malugod nawa ang Allah sa kanya- ((Katotohanan ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay magtakbeer (magsabi ng Allahu akbar) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag siya mag-rukuw' (yuyuko) itataas niya ang dalawang kamay niya hanggang maihanay niya sila sa dalawang tainga niya, at kapag itinaas niya ang kanyang ulo mula sa pag-yuko (rukuw'))), at sasabihin niya: ((SAMEE'ALLAHU LIMAN HAMIDAH)) ay gagawin niya katulad niyon.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ibinalita ni Malik Bin Al-Huwayrith na katotohanang ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: "kapag siya ay nagsagawa ng Takbir (magsabi ng ALLAHU AKBAR) itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga" ibig sabihin: kapag siya ay nagsasagawa ng Takbir ng Takbiratul Ihram, itataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga,at sa isang salaysay: hanggang sa magkahanay ito sa dalawang sangay ng kanyang dalawang tainga". At ang mga sangay ng tainga ay ang itaas niya. At sa Hadeeth ni Ibn Umar -malugod si Allah sa kanya: "Ay itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay dalawa ito sa kanyang dalawang balikat" ibig sabihin :katumbas o kapareho ng kanyang dalawang balikat". At ito ang tatlong salaysay (riwayat): Una: Itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga. Pangalawa: Itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa mga sangay ng kanyang dalawang tainga. Pangatlo: Itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang balikat,Siya ay mamimili sa pagitan ng mga ito,o itaas niya ang kanyang dalawang kamay sa hanay ng kanyang dalawang balikat kung saan ay maghahanay ang mga dulo ng kanyang mga daliri sa sangay na dalawa niyang tainga,Ibig sabihin ay sa itaas ng kanyang tainga,habang ang hinlalaki niya ay sa umbok ng dalawa niyang tainga,at ang dalawang palad niya ay sa dalawang balikat niya. At sa sabi niyang:" Kapag siya ay nagsasagawa ng Takber,itinataas niya ang dalawa niyang kamay,Ibig sabihin; Itinataas niya ang dalawa niyang kamay kasabay ng pag Takbir, At sa salaysay ni Imam Muslim: "Itinataas niya ang dalawa niyang kamay pagkatapos ay nagsasagawa siya ng Takbir" Ibig sabihin ay: pagkatapos nito, At sa ibang salaysay:" Nagsasagawa siya ng Takbir pagkatapos ay itinataas niya ang dalawa niyang kamay" Kaya ito ang tatlong larawan sa pagtaas ng dalawang kamay sa pagsasagawa ng Takbiratul Ihram. Dahil dito: ito ay nagiging Sunnah, na naisalaysay sa magkakaibang uri,kaya nararapat gawin ang lahat ng mga ito,bilang pagsunod sa Sunnah sa lahat ng naisalaysay mula sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"kapag siya ay yumuko,itinataas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga" Ang kahulugan: At kapag nagsimula siya sa pagyuko,itinataas niya ang dalawa niyang kamay hanggang sa maghanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga,at ito ang ikalawang kinalalagyan mula sa kanaisnais na pagtaas sa dalawang kamay."At kapag itinaas niya ang ulo niya mula sa pagyuko,sinasabi niyang:"Naririnig ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya" Ibig sabihin: Kapag nagsimula siya sa pagtaas mula sa pagyuko,nagsasabi siya: "Naririnig ni Allah ang sinumang pumuri sa kanya" At ang paggugunitang ito ay kabilang sa mga ibligado sa pagdarasal,"ginawa ang tulad ng iyon" Ibig sabihin: Ginawa ng Sugo ng Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang katulad ng ginawa niya sa pagsasagawa ng Takbir: Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay hanggang sa magkahanay ang dalawang ito sa kanyang dalawang tainga,,Kaya`t ito ang tatlong kinalalagyan na kanaisnais ang pagtaas sa dalawang kamay sa pagdarasal,at ang pang-apat ay ang pagtaas sa dalawang kamay sa pagtindig mula sa pagsasagawa ng unang Tashahhud sa pagdarasal ng tatlo o apat na tindig